Saturday, 15 July 2017

Part 30: Panakip Butas

Part 30: Panakip Butas

Ilang linggo pagkatapos ng library encounter namin nina Nayumi at Bella, eto at abala nanaman kami dahil ilang araw na lang ang deadline ng submission ng chapter 2 at 3 ng research. Kailangan na naming magmadali, napagkasunduan naming magdouble time para mas mabilis naming matapos. At para mas mapabilis nga, humihiram kami ng mga librong kailangan namin sa library at inuuwi namin. Nang mga panahong yon may cellphone na ako, di ko matandaan ang brand pero may antenna pa. Si Nayumi naman ay may Nokia 3210, at nauso na din noon ang unlimited call ng sun cellular at yung tinatawag ng Globe at Smart noon na drop call, libre noon ng mga about 5 seconds ata yung call. Ang pagkakaalala ko 25 pesos ata yung unlimited call ng one week, di ko na masyadong matandaan pero parang ganun ata. So ang nangyari nagtatawagan kami or nagtetext kapag may mga tanong sa bawat isa. Nakakatext ko na din noon si Bella, kung ano ano lang tinetext sa akin, minsan mga qoutes o kaya naman ay mga picture messages. Mahilig magtext si Nayumi ng mga Biblical verses, samantalang si Bella naman ay puro kalokohan kalimitan ang laman ng mga text. Minsan may mga pagkagreen ang jokes nya, tumatawag din kahit na dis oras na ng gabi kasi daw di makatulog.

Bzzzt.......bzzzzzzt......bzzzzzt.......bzzzzzzt vibrate ng cellphone ko ng isang madaling araw. May tumatawag, pagtingin ko si Bella pala.

"Hello" pupungas pungas kong sagot.
"Hello, good morning! Nagising ba kita?" tanong nya.
"Ano kaya sa tingin mo" inaantok ko namang tugon.
"Uy sorry ha, napaaga ako ng gising e" sabi nya.
"At ako pa talaga iistorbohin mo ha, ayos ka din no" sabi ko.
"Ano ka ba, okay lang yan para maagang magising kaluluwa mo, saka alam ko namang di ka magagalit" sabi nito.
"E bakit nga ba ang aga aga mo tumawag" bulong ko dahil nasa kabilang kwarto lang ang ate ko.
"Wala akong makulit na iba e" sagot naman nya.
"Ah so tumawag ka lang pala para mangulit, matutulog pa ako, mamaya ka na lang mangulit" sabi ko akmang puputulin na sana ang usapan namin.
"Teka....teka lang, ito naman napakaKJ. Usap muna tayo PLEASE" hiling nito na may kasamang lambing sa pagkakasabi ng please.
"Ano ba pag uusapan natin, di ba pwedeng pag usapan yan sa school" sabi ko naman.
"Tapos nyo na yung research nyo?" tanong nya.
"Di pa nga e, pinagpupuyatan na nga namin para matapos lang' sagot ko naman.
"Nagtatawagan kayo ni manang?" tanong nya ulit.
"Sinong manang?" balik tanong ko naman.
"Yung partner mo, sino pa ba" sabi nya.
"Sobra ka naman, di naman sya manang" pagtatanggol ko kay Nayumi.
"Anong hindi, kita mo naman kung magdamit, parang mo madre" sabi nito na parang naiirita.
"Ganun lang talaga sya, conservative type lang" sabi ko.
"Wag mo na nga sya ipagtanggol, nagtatawagan kayo?" muli nyang tanong.
"Oo, kapag may tanong sa research" sagot ko.
"Kausap mo sya kagabi?" muli nyang tanong.
"Oo, bakit?" balik tanong ko.
"Ah kaya pala busy ang line mo" sabi nya.
"Tumatawag ka ba kagabi?" tanong ko.
"Oo kaso busy ka naman pala sa pakikipag usap" sabi nito.
"Bat ano ba sasabihin mo sana?" tanong ko.
"Wala, nakalimutan ko na" sagot nito.
"Ha? Pwede ba naman yun, kagabi lang nakalimutan mo na agad" saad ko.
"E sa nakalimutan ko na nga, sasabihin ko na lang ulit kapag naalala ko na" sabi nya
"Okay sige ikaw bahala" sagot ko naman
"Ano oras ka papasok?" muli nyang tanong.
"Mga 7" maikling sagot ko.
"Pwede daanan mo ako mamaya, sabay na tayo pumasok" hiling nya.
"May iniiwasan ka ba at gusto mo may kasama ka pa pumasok?" sabi ko.
"Wala naman, basta daanan mo na lang ako mamaya" pamimilit nya.
"O siya sige, abangan mo na lang ako dyan sa labas ng gate nyo" sabi ko naman.
"Salamat, sige kita na lang tayo mamaya" sabi nya.
"Okay" sagot ko.
"Bye" pamamaalam nya.
Binaba ko na din CP ko, pagtingin ko sa orasan ay nasa 4:30AM pa lang, pwede pa ako umidlip kahit isang oras.

....................

Alas siyete ng umaga, nakagayak na ako. Nagpaalam na ako sa tatay ko at naglakad na patungo sa tinutuluyan ni Bella. Umuupa kasi sya malapit lang din sa bahay namin kaya nadadaanan ko. Ayun nga sya at hinihintay ako sa kanilang gate. Miyerkules ngayon kaya as usual napakasexy nanaman ng kanyang suot.

"Tara na" sabi ko ng makalapit na ako sa kanyang kinaroroonan.
Sumonod lang sya sa akin ng walang imik.
"May problema ba?" tanong ko.
Wala pa ring syang imik.
"Okay ka lang" sabi ko at humarap sa kanya.
Tumingin lang sya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.
"Anong problema, may maitutulong ba ako?" tanong ko.
"Kailangan kita" maikli nyang sagot.
"Bakit? Ano ba kasi problema?" tanong ko.
"Basta kailangan kita, just say yes please" pakiusap nito.
"Ok sige, pero pwede bang sabihin mo muna kung ano problema" sabi ko.
"Rey, can you be may boyfriend?" biglang tanong nya na di ko naman inaasahang marinig mula sa kanya.
"HA!?Ano ulit yng sinabi mo?" taranta kong tanong.
"Okay, eto ha makinig kang mabuti, pwede ba kitang maging boyfried?" ulit nya.
"Teka lang ha, naguguluhan ako e, BOYFRIEND kamo, at ako? Bakit?" sabi ko
"Ganito kasi yun, gusto kong gantihan yung gagong ex boyfriend ko, gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko syang palitan agad agad" sabi nito
"Ah so gagawin mo akong panakip butas ganun?" tanong ko.
"Just for a few weeks lang naman, saka di ka naman malulugi sa akin" sabi nya.
"Aba ayos ka din ah, pano ka naman nakasigurong papayag ako sa gusto mo" sabi ko.
"Pumayag ka na nga kanina diba" sabi nya.
"Hindi ibig sabihin non e pumayag na ako, nag oo lang ako kanina kasi di ko pa naman alam kung ano yung sinasabi mong kailangan mo ako, ayokong makigulo sa inyong dalawa" sabi ko.
"Sige naman na please, gusto ko lang namang ipamukha sa gaggong yon na di sya kawalan sa akin" sabi nito.
"Mahal mo pa siguro ano?" tanong ko.
"Mahal? Yung gagong yun, naku hindi, nabubuwisit lang ako at napakayabang kung magsalita" sabi nya.
"Basta labas na ako dyan, humanap ka na lang ng papatol dyan sa trip mo" sabi ko naman.
"Rey naman e, hihingi ba naman ako ng tulong sayo kung meronng ibang pwede, ikaw lang makakagawa nun, kaya sige naman na" pamimilit nya.
"Bat di na lang yung mga manliligaw mo sabihan mo, mas matutuwa pa mga yun, wag na lang ako" sabi ko.
"Ayaw mo talaga akong tulungan, hahayaan mo na lang bang pag usapan ako dito" sabi nya.
"Ano bang pinagsasabi mo, bakit ka naman nila pag uusapan dito' sabi ko.
"Dahil nga dun sa putang inang gagong yon, pinagkakalat nyang pokpok nya ako, sa tingin mo ba di ako pag uusapan dito, buti naman sana kung open minded ang mga tao dito" sabi nya.
"O bakit totoo bang pinagsasabi nya?" tanong ko.
"Sa tingin mo ganun ako?Ang baba naman ng tingin mo sa akin" paasik nyang sabi.
"Hindi naman sa ganun pero bat ka magpapaapekto sa mga bagay na sinasabi nya kung di naman totoo, pabayaan mo lang" sabi ko.
"Ayaw nya akong lubayan e, kahit na sinabi ko nang ayaw ko na sa kanya, na di ko na sya mahal, lagi nya akong binabantaang magsasalita daw sya tungkol sa akin kapag di ako bumalik sa kanya, natatakot ako Rey" sbai nya.
"Bakit ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa?" tanong ko.
"Brinake ko na sya kasi di ko na sya mahal at di na ako masaya sa kanya, kaso ayaw nya pumayag at sabi nya ipagkakalat daw nyang nagalaw na nya ako kapag di ako nakipagbalikan sa kanya" sabi nya.
"E ano naman kung sabihin nya, di naman makakaapekto yun sayo" sabi ko naman.
"Hindi mo kasi alam ng pakiramdam naming babae, kahit papano naman may pride din ako, ayokong mapahiya sa school at ayaw kong ang baba ng tingin nila sa akin" paliwanag nya.
"E ano naman kuneksyon ng pagpapanggap kong boyfriend mo?" tanong ko.
"Baka kasi kapag nakita nyang meron na akong iba, tumigil na din sya, na makamove on na sya sa akin" sagot nya.
"Di yan sigurado, baka pati ako madamay pa dyan" sabi ko.
"Hahayaan mo na lang ba akong guluhin nya, kahit alam mo naman na pwede mo akong matulungan" sabi nya.
"Bella naman, sa dami dami ng lalaki dito sa campus, bat ako pa kasi, ang dami naman dyan na mas nakakaangat sa akin, bat di na lang sila" sabi ko.
"Kasi mabuti kang tao, at komportable ako sayo, kung pwede lang ba yung iba bakit hindi, kaso di naman ganun kadali yun e, kaya nga sayo ako lumapit" paliwanag nya.
"Kelan natin sisimulan yang balak mo" pagsuko kong tugon.
"So pumapayag ka na?" masigla nyang tanong.
"Ano pa nga ba, pero.....may pero ako ha...may limit" sabi ko.
"Okay, okay....sa sabado at linggo natin simulan, magpaalam ka na sa inyo kasi magsasama tayo ng dalawang araw, pupunta tayo sa amin" sabi nya.
"Teka, teka, ibig mong sabihin luluwas pa tayo sa inyo?" tanong ko.
"Natural, alangan namang dito e wala naman dito yung ex ko" sabi nya.
"Sige try ko magpaalam, pero di pa sure yun ha" sabi ko naman.
"Okay, basta sabihan mo ako, tawag or message ka lang sa akin, di bale unlimited ka naman ata e" sabi nya.
"Sige" sabi ko at naghiwalay na kami ng landas.




Itutuloy.....................




Thursday, 6 July 2017

Rey Stories: Part 29: Secret Admirer

Rey Stories: Part 29: Secret Admirer

Ang bilis nang panahon, nasa third year high school na ako. Isang taon na lang at magtatapos na ako. Ang dami nang nangyari sa akin, ang dami ko na ding napagdaanan. Madaming babae na din ang dumaan sa aking mga kamay. Ngayong taon pipilitin kong magbago ng nakasanayan, lalo na't nasa first section na ako.

Madaming naging trasnferee ngayong taon sa aming third year. Ilan sa mga ito si Nayumi at Bella. Si Nayumi ay isang tipikal na Pilipina, Hindi katangkaran, kayumanggi ang kulay, pero pamatay ang katawan at may maamong mukha. Para siyang Maria Clara, napakahinhin kung gumalaw at napakamahinahon kung magsalita. Si Bella naman ay may lahing EspaƱol, mestiza kumbaga. Maputi, matangkad, bilugan ang mukha at may pagkasingkit ang mga mata at may katawang kapansin pansin.
Silang dalawa ang namumukod tangi sa lahat ng mga transferee. At dahil bago sila sa klase at sa buong paaralan, nagkalat ang kanilang taga hanga. Isa ako sa humanga sa kanilang ganda sa unang araw pa lamang ng aming klase. Pero dahil sa gusto ko ng baguhin ang nakagawian, sinikap kong huwag na lang silang pansinin.

Sa unang araw pa lamang ng aming pasok ay talaga namang piang uusapan na silang dalawa, at sa di inaasahang pagkakataon ay parehas pa silang napabilang sa first section. Nahiwalay na ako sa barkada ng mga panahong iyon dahil ang ibang tropa ay huminto na sa pag aaral at ang iba naman ay nasa hulihang seksyon. Naging madalang na din ang aming pag uusap at nawala na ang mga inuman.
Isang buwan ang lumipas, madami nang naging kaibigan sina Nayumi at Bella. Madami na ding nanliligaw sa kanila. Hindi naman nakapagtataka dahil talaga namang may maipagmamalaki sila.

Nasa kalagitnaan na kami ng school year nang naging malapit kami ni Nayumi. Nauso kasi noon yung seating arrangement, eh ang nangyari alphabetically arrange ang ginawa. Nagkataon namang ang apelido namin ay magkasunod kaya naging seatmate kami. Ang malupit pa ay napagitnaan nila ako. Si Nayumi sa kanan at nasa kaliwa ko naman si Bella. Nagsimula kaming maging close ni Nayumi nang mataon na kapartner ko sya sa isang research tungkol sa linguistic.

"Rey punta tayo mamaya sa library ha, kelangan na natin matapos yung chapter one" si Nayumi ng isang hapon.
"Sige, mamayang break punta tayo" sagot ko naman.
"Sya nga pala yung diachronic linguistics nasearch mo na kung ano ibig sabihin?" tanong nito.
"Hindi pa, mamaya na lang din" sagot ko.
"Sige" matipid nyang sabi.

Ganun lang kami mag usap nung nasa unang bahagi pa lamang kami ng research. Kakausapin lang ako kapag may kinalaman sa research at tahimik lang kapag nasa klase. Kabaliktaran naman si Bella dahil madaldal sya at palakwento. Sa limang buwang pamamalagi nya sa campus ay nakatatlong boyfriend na agad sya. At sa aking mga naririnig, lahat daw sila ay nagalaw na sya. Pinagyayabang pa nga nilang natikman na daw nila ang isa sa mga dyosa ng campus at parang balewala lang naman ito kay Bella. Napakaliberated nya, sobrang sexy kung manamit lalo na kapag civilian day, talaga namang mapapalingon ang sinumang madaanan nyang kalalakihan. Agaw atensyon naman kasi talaga, kahit naman ako ay napapatingin kapag malapit na sya. Samantalang si Nayumi ay manang kung manamit, para bang ayaw nyang ipakita ang kanyang katawan. Pero kahit na ganun ay mapapansin pa din ang kaseksihan nya lalo kapag nakasuot ng uniform. Mas naatrack ako sa kanya kesa kay Bella, kaya mas nakafocus ang atensyon ko sa kanya.


Sa library.....


Naging abala kami sa paghahanap ng mga libro para sa research namin. Sa sobrang busy di namin namalayan na may kasama na pala kami sa lamesa, saka lamang namin napansin ito nang magsalita.


"Ehem...excuse mo po" bungad ng babaeng nasa harapang bahagi ng mesa.

Napatingin kami bigla sa kanya. Isang cute na babe ang aking nakita.

"Kami?" tanong ko.

"Opo, sayo kuya" sabi nito sabay baling ng tingin sa akin.
"Ano yun?" tanong ko naman.
"May nagpapabigay po kasi sayo nito" sabi nya sabay abot ng isang sobre.
"Ano to, saka para saan" magkasunod kong tanong.
"Pakibuksan na lang po para malaman nyo" sagot naman nya.
"Sige po, alis na po ako" paalam nito at tumayo na sabay kaway.
Pipigilan ko pa sana ang babae kaso wala na akong nasabi. 
"Hulaan ko kung ano yan" sabi sakin ni Nayumi.
"Ha?" takang tanong ko.
"Love letter yan" sabi nito.
"Love letter? Pano mo naman nalaman?" tanong ko.
"Para ka namang walang alam, basta love letter nga yan" giit nito.
Nagkibit balikat lang ako. Kasi naman ngayon lang ako nakatanggap ng love letter.
"Ikaw ba nakakatanggap din ng mga love letter" baling ko sa kanya.
"Meron konti" sagot nya.
"Konti lang?" tanong ko ulit.
"Oo nga, bakit mo naman natanong?" balik tanong nya.
"Wala lang, ano sinasabi sa mga sulat?" tanong ko.
"Bakit mo naman gusto malaman?" balik tanong nya ulit.
"Pasensya ka na, personal nga naman pala mga ganyang bagay" paumanhin ko.
"Buksan mo kaya yang sayo para malaman mo kunga ano nilalaman" sabi nito.
"Gusto mo ring basahin?" sabi ko.
"Hindi ha, bakit ko naman babasahin, di naman para sakin yan" sabi nya.
"Matanong ko nga pala, bat wala ka pang boyfriend?" sabi ko.
"Ayoko pa magboyfriend, sakit lang yan sa ulo saka ang bata ko pa para dyan" sagot nya.
"Ibig sabihin di ka pa nagkakaboyfriend kahit isa?" tanong ko.
"Wala pa nga, wala pa sa isip ko mga ganyang bagay" sabi nya.
"Mabait na bata" pabiro kong sabi.
"Kesa naman gaya sayo, ang dami mo na naging girlfriend" sabi nya.
Medyo natahimik ako nang sabihin nya yun, naalala ko nanaman mga nagawa ko nung mga nakaraang taon.
"Sorry ha, affected ka ata, may nakapagsabi lang kasi sa akin" bawi nya.
"Okay lang, aminado naman ako dun" sabi ko.
Tumingin lang sya sa akin. Tila ba tinatantiya kung okay lang talaga ako o hindi.
"Okay nga lang sakin" ulit ko.
"Sige sabi mo eh" sabi nya.
...........
"Abalang abala ah" sabi ng isang boses.
Napalingon kaming parehas. Si Bella pala.
"Sa research nyo?" tanong nya.
"Oo" sagot ni Nayumi.
"Ano topic nyo?" tanong itong muli.
"Linguistic" matipid pa ring sagot ni Nayumi.
"Mmmmm ok, patabi ha" sabi nito sakin.
Ngiti lang sinagot ko sa kanya.
"Uy ano to" sabi nya sabay dampot ng sobreng kabibigay lang kanina ng cute na babae.
"Sayo?" baling nya sa akin.
"Ah oo" sagot ko.
"Love letter to ah" sabi nya.
"Pano mo nalaman na love letter yan?" tanong ko.
"Kung di love letter e ano?" balik tanong nya.
"Di ko din alam e" sagot ko.
"Hay naku, wag ka ngang painosente, kala mo naman ngayon ka lang nakakita ng ganyan" sabi nya.
"Ngayon nga lang ako nakatanggap nito" sabi ko naman.
"Wag ka nga, maniwala naman sayo" giit nya.
"Oo nga, bat kasi ayaw mo maniwala" sabi ko naman.
"Imposible yan, kilala ka kaya dito" sabi naman nya.
"Ako? Hindi ah, pano naman ako naging kilala?" tanong ko.
"Pahumble effect ganun, wag mo nga kami lokohin ha, yung mga dati mo ngang tropa kilala dito e, ikaw pa kaya" saad nya.
"Sina Owen?" tanong ko.
"Sino pa nga ba, kilala kaya kayo dito sa campus, mga basagulero kasi kayo hehehe" sabi nya.
"Noon yun, di na ngayon" sagot ko naman.
"Noon at ngayon parehas lang yon, nakatatak na yon sa mga tao dito no" sabi nya.
"Teka, kanino galing to?" tanong nya.
"Ewan, di ko din kilala yung nagbigay kanina e, lower year ata" sagot ko.
"Buksan kaya natin, ako magbasa" sabi nyang nakangiti.
"Uy wag mo kaya pakialaman yan, di naman sayo yan e" sabat ni Nayumi.
"Ang KJ mo talaga kahit kelan no" sabi naman ni Bella.
"Bahala nga kayo dyan" tila nayayamot na sagot nya.
"Ano Rey buksan na natin?" baling nya sa akin.
"Ikaw bahala" sagot ko.
Dali dali nya namang binuksan ang sobre, kinuha ang lamang papel sa loob, binuklat sa pagkakatupi at binasa ang nilalaman nito. Pagkatapos nya basahin ay ibinalik nya sa akin ito ng nakangiti.
Ito ang nilalaman ng sulat:

Dear Rey,

Kumusta ka? Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa ang aking sulat. Pasensya ka na kung sa sulat ko nalang sasabihin ang gusto kong sabihin. Di ko kasi ito masabi ng personal sayo. Nakakahiya mang aminin pero crush na crush kita. second year ka pa lang noon at fisrt year naman ako. Nagsimula kitang naging crush nang nagkatabi tayo sa library, ang pogi mo at ang cool ng dating mo tapos ang bait bait mo pa, pinahiraman mo pa ako ng ballpen mo noon kasi nawawala yung pen ko. Nasa akin pa nga hanggang ngayon ung pen mo, iniingatan ko to. Sana wag ka magbabago. Alam kong di lang ako ang nagkakagusto sayo at alam ko din na maliit ang chance na magkakilala pa tayo ng lubusan pero okay lang kasi alam ko namang may tamang panahon para dun at saka bata pa naman tayo. Basta isa ako sa mga humahanga sayo. Sa ngayon titignan muna kita sa malayo, patuloy pa rin akong susubaybay sayo at kung darating man ang panahon na malakas na ang loob ko, magpapakilala na ako sayo ng personal.

Mag-iingat ka sana palagi at goodluck sayo lalo na't nasa first section ka na. Love you.


From,

5-6-8

"Ang sweet naman ng tagahanga mo" sabi ni Bella nang ibaba ko na ang sulat.
"Sino kaya sya?" tanong ko.
"Wag mo na nga daw alamin, magpapakilala din sayo yan" sabi nya.
Nakatingin lang naman sa amin si Nayumi. Tila ba interesado ring malaman kung ano ang nilalaman ng sulat, habang palaisipan naman sa akin kung sino ang sumulat sa akin. Ngunit sa isang banda, nakakagalak isipin na sa dinami dami ng nagawa kong kagaguhan ay may humahanga pa rin sa akin.