Rey Stories: Part 20

Part 20: Plan B

Kahit na anong paliwanag ko kay Mitch ay wala ding nangyari, hindi talaga sya pumayag sa gusto kong cool off. Kelangan ko ng plan B, kung ayw nya ng cool off, ano kaya kung ibreak ko na lang talaga. Hindi, parang di magandang ideya yun, kung sa cool off nga di pumayag break pa kaya, baka kung ano pang magawa nya tapos konsensya ko pa. Pano kaya kung ituloy na lang namin kung anong meron kami pero gaya pa rin ng dati, secret pa rin. Pwede na siguro yun, ang kaso lang baka naman lalong gumulo ang sitwasyon, pano kung malaman ni She na tuloy pa din ang relasyon namin ng pinsan nya, baka mas lalong magalit yun at di na talaga ako kakausapin, hindi rin ata pwede yun, ayokong mangyari yun. Iiwasan ko na lang siguro muna si Mitch, tama iwasan ko munang makipagkita sa kanya, di bale nasa malayo naman sya at week ends lang kung umuwi. Mas makakabuti siguro yun, pansamantala lang naman hanggat di kami ayos ni She, saka ko na lang iisipin ang susunod na step pag ok na ang lahat. Iiwasan ko na muna si Mitch, ito na lang ang pinakamabuting gawin.

"She pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko ng matimingan ko syang mag isang nakaupo sa bench.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan" matamlay na sabi nya.
"Meron She, yung tungjkol sa nangyari sa atin nina Mitch" sabi ko.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin dun, malinaw naman na sa akin lahat" sabi nya.
"She pakinggan mo naman sana yung paliwanag ko" sabi ko.
"Di ba nga nagpaliwanag ka na, nasabi mo na yang paliwanag mo" sabi nya.
"E bakit hanggang ngayon di mo pa rin ako kinakausap, ni hindi mo man lang ako pinapansin, di mo ba talaga ako mapatawad sa nagawa ko?" sabi ko.
Katahimikan....
"She bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayong di ko na gagawin yun" sabi ko.
"Alam mo Rey, ok naman na e, kaso pag naiisip ko lahat ng mga ginawa ninyo ni ate, di ko maiwasang magalit, di ko maiwasang masaktan, siguro kelangan ko lang ng konting panahon para makalimutan lahat ng mga yon" sabi nya.
"Mas makakabuti sigurong hayaan mo muna ako, wag ka munang magpakita sa akin, wag mo na muna akong guluhin kasi sa tuwing nakikita kita, naaalala ko lang ang mga ginawa nyong kasalanan, kahit di ko man literal na nakita kung paano nyo ginawa ang mga yun parang naiimagine ko pa rin e, at di ko talaga maiwasang masaktan" sabi nya.
"Pero She, ang hirap naman ata ng pinapagawa mo, di kita papansinin? Di ko ata kaya yun" sabi ko.
"Kung di mo kaya, pwes ako na lang lalayo sayo, di ko kayang makita ka, mas nasasaktan lang ako lalo kapag nakikita kita" sabi nya.
"Unfair naman yan She, pano naman ako, di ko din naman kayang di kita makita" sabi ko.
"Bakit naiisip mo ba yan nung ginawa nyo yun? Naisip mo bang napakaunfair din yon sa akin, na habang nagpapakasaya kayo, ako malungkot dahil malayo ako sayo" sabi nya.
"She blinack mail lang naman nya ako e" sabi ko.
"Black mail ba talaga? Kaya ba naulit ng ilang beses? Kaya ba nagkaroon kayo ng relasyon? Kung blinack mail ka sana nya di sana isang beses lang, at sana pagkatapos nun nilayuan mo na sya, e ano ginawa mo? Inulit nyo pa ng kung ilang beses at ang masahol pa nun nakipagrelasyon ka pa sa kanya" sabi nya.
"Sorry" tanging sabi ko.
"Di naman magagamot ng sorry mo ang nararamdaman kong sakit Rey, at di ko din alam kung hanggang kelan ko mararamdaman to, ang hirap kalimutan e, kahit di ko naman sinasadyang isipin yun, pumapasok at pumapasok talaga sa utak ko e" sabi nya.
"Rey sorry din pero mas mabuti siguro kung maghiwalay na muna tayo" pagpapatuloy nya.
"Ano? Hiwalay? Bakit She? Pwede pa naman nating ayusin to ng di naghihiwalay, sige payag na akong wag muna tayong magkita hanggang sa ok ka na basta wag namang hiwalay" sabi ko.
"Mas mabuti na din to Rey" sabi nya.
"Pero She di ko kayang mawala ka sa akin, di ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka pa sa akin" sabi ko.
"Masakit din naman sa akin tong gagawin ko pero mas makakabuti na to para sa atin, sorry Rey" sabi nya at tinalikuran na nya ako.
Tulala akong nakaupo pa rin sa bench, ni hindi sumagi sa isip ko na mangyayari lahat ng ito. Para akong tinusok sa dibdib ng isang matalas na bagay, ang sakit palang marinig sa taong mahal mo na hihiwalayan ka nya.

Lumipas ang mga araw, na naging linggo hanggang buwan. I tried my very best para makausap sya pero walang nangyari, naging matigas sya, lahat ng paraang alam ko ginawa ko na pero wala pa ring nabago sa desisyon nya. Hanggang sa napagod na din ako, siguro nga hanggang dito na lang kami, siguro nga di pa ito ang tamang panahon para sa amin, sana nga tama ang naging desisyon, ang desisyon nyang kumalas sa akin. Kailangan ko tong tanggapin dahil kung tutuusin, ako naman talaga ang may kasalanan, ako din naman ang dahilan kung bakit nawala sya sa akin, ako din ang naging dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon.

Nagpasya na lang akong libangin ang sarili ko, sumama ako sa mga lakad nila Owen. Ang isang lakad ay nasundan ng isa, at ng isa pa at ng isa pa hanggang sa nag-enjoy na din ako sa pagsama sa kanila. Di ko napapansin na napapabayaan ko na pala ang pag-aaral ko at maging ang mga obligasyon ko sa bahay. Madalas kasama ko na lang ang tropa, minsan di na ako nauuwi sa bahay kapag week end.

"Tol sama ka maya?" tanong sa akin ni Owen isang hapon after ng class namin.
"San tol?" tanong ko.
"May gimik ang tropa, sa bahay nina Bryan, sama ka na para mas masaya" sabi nya.
"Sige ba, pagood shot muna ako sa bahay para walang problema" sabi ko naman.
"Sige, kita kita na lang tayo mamaya" sabi nya sabay alis.

"O tol, buti nakasama ka, akala ko di ka na makakapunta" sabi sa akin ni Bryan ng nasa bahay na nila kami.
"Pwede ba namang mawala ako sa birthday mo tol, syempre tropa tayo" sabi ko naman.
"Pano tara na sa loob para masimulan na natin ang session" yaya naman nya.
"Kanina pa nga ako nag aantay na sabihin mo yan tol e, kanina pa ako nauuhaw" sabi ni Owen.
"Ayun naman pala e, ano pang hinihintay natin, sugod na mga tol" sigaw ng iba.

"O tol shot pa, mukha atang humihina ka na ngayon ah" pangangantiyaw nila sa akin.
"Ano? Ako mahina, hindi uy" sabi ko naman at tinungga na ang laman ng baso ko.
"Oo nga pala tol, di ko na nakikita si She sa school ah, mga ilang linngo ko na din syang di nakikita dun, may balita ka?" Tanong ni Owen ni Owen.
"Bat mo ako tinatanong tol, alam mo namang wala na kami di ba" sbai ko.
"Whoa relax tol, para natanong lang e, masyado ka namang hot" sabi nya.
"Alam mo tol wala na din akong paki sa kanya, alam mo naman siguro kung ano mga ginawa ko para lang suyuin sya, may napala ba ako? Di ba wala? Kung sya walang paki alam sa akin ganun na din ako sa kanya" matabang kong sabi.
"Oo tol alam ko yan, kaya wag na nating pag usapan yon, magsaya na lang tayo dito" sabi naman ni Owen.
"Yeahhh!!" sigaw ng lahat.

Kinaumagahan lahat may hang over, wala ni isa sa amin ang nakapasok ng araw na yon, sabagay wala ng bago dun. Lagi kasing ganito basta may lakad o naging gimik ang tropa. Para di ako mahuli sa bahay na umaabsent lagi akong nagbabaon ng uniporme tapos kapag alam kong uwian na ay saka naman ako uuwi ng hapon suot ang unipormeng baon ko.


Itutuloy.........



No comments:

Post a Comment