Rey Stories: Part 15

Part 15: Vermalyn: Di Ako Susuko

Natuluyan akong nilagnat pagdating ng umaga, kaya di na muna ako nakapasok, pinasabi ko na lang na di ako makakapasok dahil may sakit ako. Nalaman ito ni Mitch kaya naman sya ang nagbantay at nag-alaga sa akin. Alam kong nagtataka ang mga kasama ko sa bahay pero di naman nila ako inabalang tanungin kung bakit kelangan pa akong alagaan ni Mitch. Martes na ako nakapasok, ayaw pa sana akong papasukin ng tatay ko pero sabi kong kaya ko naman na kaya pumayag din sya kalaunan.
Pagdating ko sa site ay sinalubong ako ni pareng Noriel.
“O pare kumusta ka na? Balita ko nagkasakit ka daw” sabi nya.
“Lagnat laki lang pare” sabi ko naman.
“Sya nga pala pare, may ibibigay ako sayo” sabi nya at niyaya na nya akong pumasok sa ginagawa naming bahay.
“Pinabibigay ni pinsan, kaiinin mo daw para di ka manghina” sabi nya.
“Ano to pare? Saka sinong pinsan mo nagbigay nito?” tanong ko.
“Si Verma pare, mukhang may tama yung pinsan kong yun sayo ha, pero pare alam kong may GF ka na, kaya sana wag mo ng papatusin yung pinsan ko” sabi nya.
“Kaibigan ko lang si Verma pare, wag ka mag-alala walang talo talo sa atin” sabi ko naman.
“Pinagsabihan ko nga kanina e, kaso parang ayaw makinig sa akin, may pagkamatigas kasi ulo nun saka masungit” sabi nya.
“Mabait naman pare ah” sabi ko.
“Sayo lang ata mabait yun e, pero pare mangako ka na wag mo syang isama sa mga magiging babae mo ha, alam ko babaero ka kahit di mo sabihin, pinsan ko pa rin kasi yun kahit na masungit” sabi nya.
“Ano ka ba pare, sinabi ko na sayo, walng talo talo sa atin. Saka pare di ako babaero” sabi ko.
“Pare maglilihiman pa ba tayo, halata namang babaero ka e” sabi nyang tinapik pa ang balikat ko.
“Pare naman, totoo di ako babaero” sabi ko naman.
“Sige pare sabi mo yan, teka ano nga bang laman nyang binigay ni pinsan?” sabi nya.
“Malamang pagkain pare” sabi ko.
“Ay oo nga pala dahil bilin nya siguraduhin ko daw na makakain mo yan” sabi nya.
“Nag-abala pa kasi, pakisabi pare salamat dito, saka pakisabi na rin na di na kailangang bigyan pa ako nito, may dala naman akong pagkain e” sabi ko.
“Sige pare makakarating, o pano punta na ako sa pwesto ko, baka magalit na si foreman” pamamaalam nya.
Agad ko namang inilagay ang bigay ni Verma sa bag ko at dumiretso na din ako sa aking pwesto.

Sa lunch break ay sama sama kaming kumain ng mga kasama ko, ganito kami lagi, nasa iisa lang kaming pwesto at sama samang kumakain. ng buksan ko na ang mga dala ko ay napansin kong may maliit na papel na nakalagay sa binigay ni Verma. nang tignan ko ito ay isa palang maliit na note.
"Hi Rey, sorry bout sa nangyari nung nakaraang araw, wala naman talaga akong intensyon na guluhin kayo at di ko rin naman inaasahan na mahuhulog talaga ang loob ko sayo, di ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit. Basta ang malinaw ay gusto kita. Pero don't worry alam ko naman ang lugar ko, makakaasa kang di na mauulit yung nangyari pero di ko rin naman isusuko ng basta basta na lang ang nararamdaman ko para sayo, isipin mo nang cheap ako, nagpapakatotoo lang ako. Ngayon ko lang to naramdaman sa isang lalake kaya malakas ang loob ko na sabihin to. Sana lang wag mo akong pagbawalan na iparamdam to sayo. Sana nga pala magustuhan mo tong pagkain, hinanda ko talaga yan para sayo. Ingat ka dyan and love you    - Vermalyn"
Napailing ako sa note na kasama ng pagkaing bigay nya. Akala ko niloloko lang nya ako nung sinabi nyang may gusto sya sa akin. Nagkamali pala ako, di ko naman aakalaing ang isang tulad nya ay magkakagusto sa akin, di naman ako ganung kagwapo para magustuhan ng isang magandang tulad nya. Oo ngat nakakataba ng puso na malalaman mong marami ang nagkakagusto sayo pero sa isang banda naman ay nangangamba ako sa pwedeng idulot nito sa relasyon ko kina Marg at She. Isa lang ang pwede kong gawin, ito ay ang iwasan si Verma, alam kong masasaktan sya pero mas maigi na rin siguro yun kesa sa umasa sya sa isang bagay na di ko naman kayang ibigay. Ayoko lang masira kami ng mga GF ko, tama na si ate Mitch, nagkamali na ako at ayaw ko na yong dagdagan pa. Isa pa nangako na din ako kay pareng Noriel na di ko papatusin ang pinsan nya.

Bago kami umuwi ay kinausap ko muna si pareng Noriel.
"Pare pakisabi kay Verma salamat sa pagkain, saka pasabi na rin na wag na lang syang magbigay sa susunod" sabi ko.
"O bakit naman pare, di mo ba nagustuhan?" tanong nya.
"Di naman sa ganun pare, kaya lang parang di lang magandang tignan na nagbibigay sya sa akin lalo nat wala namang espesyal sa amin" sabi ko.
"Sabagay may punto ka pare, hayaan mo't sasabihin ko" sabi nya.
"Salamat pare, pano mauna na ako, baka nandyan na yung sundo ko" sabi ko.
"Yun bang pinsan ng syota mo pare? Ganda din nun, pwede mo ba akong ireto pare?" tanong nya.
"Ay naku pare, pasensya ka na ha, wala akong karapatang gawin yun e" sabi ko pero ang totoo ay ayaw ko lang lapitan nila si Mitch.
"Mukhang masungit kasi pare, sayang ang ganda nun kung di sya magkakaboypren" sabi nya.
"Mabait naman yun pare, di lang talaga sya palakaibigan sa iba" sabi ko.
"Bilib nga ako sayo pare, biruin mo ikaw pa sinusundo, nakakahalata na nga kami e" sabi nya.
"Anong ibig mong sabihin pare?" tanong ko.
"Pare sa atin atin lang ha, may tama ata sayo yun e kaya kuntodo bantay sayo" sabi nya ng pabulong.
"Ano ka ba naman pare, walang ibig sabihin yun" sabi ko.
"Pero maganda pare di ba, wag mong sabihing di ka nagagandahan dun?" pangungulit nya.
"Aminado naman ako pare na maganda talaga si ate Mitch pero pinsan yun ng syota ko e, mahirap naman kung maging sya e papatusin ko pa" sabi ko.
"Kaya nga pare ipaubaya mo na lang sya sa akin" sabi nyang nakangisi pa.
"Labas na ako dyan pare, pasensya ka na talaga pero di kita matutulungan sa bagay na yan" sabi ko.
"Ok sige pare, o pano bukas na lang ulit" paalam nya.
Tinanguan ko na lang sya at naglakad na din ako. Nakaabang na nga si Mitch sa di kalayuan, pagkakita nya sa akin ay agad syang lumapit at yumakap sa akin.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Di naman, mga 5 minutes lang siguro" sabi nya.
"Tara uwi na tayo" yaya ko.
"Pasyal muna tayo sa park, pwede?" tanong nya.
"Sige pero di tayo pwedeng magtagal kasi hapon na din masyado" sabi ko.
Sabay na kaming pumunta ng park. Naupo kami sa isang bench at habang nag-uusap kami ay hinalungkat nya ang bag ko. Nakaugalian na rin kasi nyang icheck ang gamit ko lalo na ang baon kong pagkain, sinisigurado nya kasing nakain ko ito.
"Rey ano to?" tanong nya at kinuha ang isang piraso ng papel.
Kinabahan ako dahil di ko nga pala naalalang nandun pa yung sulat ni Verma.
"Ah ano resibo lang yan ng mga gamit na binili namin kanina, akin na at ibibigay ko kay foreman bukas" sabi ko at akmang kukunin ang papel pero agad na nya itong binuksan at binasa.
Wala na ako nagawa kundi titigan sya at tignan kung ano ang magiging reaksyon nya sa sulat.
"Resibo pala ha, kelan pa naging resibo ang love letter?" madiin nyang tanong pagkatapos mabasa ang sulat.
"Mitch ano kase, di ko naman inaasahan yan" sabi ko.
"At talagang di titigil ang babaeng yon sa panggugulo sayo, at nagbigay pa talaga ng pagkain sayo, ano  tingin nya sayo walang makain at kelangan pa nyang magbigay?" sabi nya.
"Mitch hayaan mo na lang, sinabihan ko naman na si pareng Noriel na wag na nya ulitin yun kasi di magandang tignan" sabi ko.
"At sa tingin mo makikinig yun, siguro kelangan naming mag-usap, ipapaintindi ko sa kanya lahat lahat" sabi nya.
"Mitch naman, mag-aaway lang ulit kayo nyan kung gagawin mo yan, hayaan mong ako na lang ang susulusyon nito" sabi ko.
"Kilala kita Rey e, di mo kayang tumanggi sa babae, kaya ako na lang makikipag-usap sa kanya, taga san ba sya?" tanong nya.
"No, ako na bahala sa kanya, promise kaya ko to, ipaubaya mo na sa akin" sabi ko.
"Rey naman kasi e, bakit ba kasi andaming nagkakagusto sayo" sabi nya.
"Bat di mo itanong yan sa sarili mo, ano nga ba nagustuhan nyo sa akin?" sabi ko.
"Kakaiba ka kasi, may something sayo na kakaiba, mahirap iexplain, basta merong kakaiba sayo" sabi nya.
"Pero pwede mo bang ipaubaya na lang sa akin si Verma, ako na bahala sa kanya, ok?" sabi ko.
"Sige, pero kapag di pa rin sya nakinig sayo, ako na makakalaban nya" sabi nya.

Kinabukasan ay kinausap ko si pareng Noriel na kung sana ay kausapin ko si Verma, mabuti naman at pumayag naman sa pakiusap ko kaya naset nga ang pag-uusap namin ni Verma. Linggo noon ng mapagpasyahan naming mag-usap, alam ni Mitch na mag-uusap kami at sinabihan ko syang wag na lang sumama para iwas gulo.
"Ano ba gusto mong pag-usapan natin" tanong nya ng magkita kami.
"Tungkol dun sa sinabi mong feelings mo sa akin" sabi ko.
"Sasagutin mo na ba ako kaya gusto mo akong makausap, ok lang sa akin kahit na apat kami, ok lang din sa akin kung di full time ang ibibigay mo, basta masaya na ako na tinanggap mo akong maging bahagi ng buhay mo" sabi nya at niyakap na lang ako bigla.
Pinalis ko ang pagkakayakap nya sa akin at tumingin sa kanya ng seryoso.
"Verma di yun ang dahilan kaya kita gustong kausapin" sabi ko.
"Kung sasabihin mong di mo ako mahal, ok lang din sa akin, tanggap ko na yun, pero wag mo naman sanang ipagbawal na mahalin kita" sabi nya.
"Verma, im sorry pero kelangan na sigurong kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin, ayokong magmukha kang tanga sa akin, ayokong umasa ka ng wala" sabi ko.
"Ok lang naman sa akin e, naiintindihan din naman kita, pero wag mo naman sabihing kalimutan na kita dahil di naman ganun kadaling gawin yun" sabi nyang malungkot na nakatingin sa akin.
"Look Verma, masaya akong malaman na may feelings ka sa akin pero di mo ba naiisip na ikaw lang ang masasaktan kung di ko naman kayang suklian ang pagmamahal mo? Isa pa maganda ka, marami pang lalake ang mas karapat dapat sayo kesa sa akin. Di ba mas masarap magmahal kung ang taong mahal mo ay mamahalin ka din tulad ng pagmamahal mo. Gusto kong maging masaya ka at ayokong masaktan ka dahil lang sa akin" sabi ko.
"Sa ginawa mo sinaktan mo din naman ako ah, akala mo ba ganun ganun na lang kadaling kalimutan ang nararamdaman ko, kasalanan ko bang minahal kita Rey, kasalanan ko bang maramdaman ko to sayo? Tanga na kung tanga pero di ko isusuko ang nararamdaman ko. Magalit na sila kung magalit pero di ako titigil sa pagmamahal sayo at ipaglalaban ko ito" sabi nya at nag-unahan ng tumulo ang luha nya.
"Verma naman, marami namang iba dyan wag na lang ako, di ako karapat dapat sayo" sabi ko.
"Alam mo walang sinumang makakapagsabi kung sino ang karapat dapat sa akin kundi ako lang, para sa akin ikaw lang ang lalaking nararapat sa akin, yun ang sinasabi ng pusot isip ko, kung sa tingin mo ay mali yon, para sa akin yon ang tama at kahit na anong mangyari isususgal ko yon" sabi nya.
"Hindi ba talaga pwedeng ibaling mo na lang yan sa iba? Verma alam mo namang di na ako pwede di ba?" sabi ko.
"Alam ko, sinabi mo na yan nung una pa lang tayo nagkakilala, don pa lang alam ko ng iba ka sa ibang lalake, napakahonest mo, ni hindi mo man lang ako diniskartehan, wala kang ginawang move para magpahangin sa akin, alam mo bang inaabangan kong gawin mo dapat yun, sabi mo maganda ako pero bakit parang wala akong epekto sayo" sabi nya.
"Rey gusto kita hayaan mong iparamdam ko yon sayo, ok lang na kahit di mo man suklian yon, hihintayin ko ang araw na matututunan mo din akong magustuhan, pag dumating ang araw na yon ako an siguro ang pinakamasayang babae" pagpapatuloy nya.
"Verma....."
"Please Rey, wag ka ng umangal, di naman ako manggugulo sa relasyon mo eh, tulad ng nasabi ko kanina alam ko kung san ako lulugar kaya wala kang dapat ikabahala" putol nya sa sasabihin ko sana.
"Kung iniisip mong guguluhin ko ang GF mo, nagkakamali ka, di ko gagawin ang mga bagay na alam kong di mo magugustuhan, masaya na akong masaya ka sa kanila, basta tatandaan mo na nandito lang ako kapag sinaktan ka nila, maghihintay ako at kung kelangan mo ng tulong ko wag kang magdalawang isip na puntahan ako." dugtong nya.
"Siguro wala na tayong dapat pang pag-usapan, lika kain na muna tayo, tanghali na din naman" sabi nya.
Wala na akong nasabi, di ko alam kung tama bang kinausap ko pa sya. Wala din naman pala akong magagawa para pigilan sya. Nakaklungkot lang isipin na may isang taong masasaktan dahil sa akin, di ko man direktang kasalanan ay parang di pa rin yun maganda para sa akin. Ayoko naman talagang makasakit ng damdamin, pero paano ko iiwasan ito kung sila naman ang nagbibigay ng ganung pakiramdam sa sarili nila.
Nagpunas sya ng luha saka muling tumingin sa akin, ngayon ay pilit na syang nakangiti sa akin. Halatang galing sya sa pag-iyak. Gusto ko man syang damayan ay wala akong magawa, di ko naman pwedeng tanggapin ang inaalok nyang pagmamahal dahil may mahal na akong iba at nangako na akong di na sila dadagdagan pa at saka isa pa, wala akong nararamdaman para sa kanya, oo ngat maganda din sya, kaakit akit pero talagang wala akong maramdamang iba para sa kanya. Sapat na sigurong maging magkaibigan na lang kami, tama, mas mainam na nga siguro yun.
"Ah Verma, yung sa pagbigay mo pala ng pagkain, pwede bang kahit wag mo na gawin yun" sabi ko.
"Bakit naman, di mo ba nagustuhan?" tanong nya.
"Hindi naman sa ganun kaya lang baka makita ni Mitch, chinecheck kasi nya lagi mga dala ko, ayoko lang sana na magkaroon sya ng pagdududa" sabi ko.
"Ok sige, pero pwede naman siguro kitang dalawin dun sa site nyo" sabi nya.
"Sa tingin ko di rin magandang ideya yan, lagi din kasi akong pinupuntahan ni Mitch dun lalo na pag uwian" sabi ko.
"Over protective naman pala sya, sige sa pasukan na lang siguro" sabi nya.
"Kaso darating na din yung dalawa" sabi ko na ang tinutukoy ay sina Marg at She.
"Ano ba naman yan, ang hirap naman pala ng sitwasyon ko, pero sige ok na din basta makita kita" sabi nya.


Itutuloy.........

No comments:

Post a Comment