Rey Stories: Part 21

Part 21: Adventure

Isang hapon habang nakatambay kami kasama ang tropa ay may lumapit na isang babae. Masasabi kong maganda sya, pero that time ay di na talaga ako tumitingin sa mga babae dahil nga sa nangyari sa akin nitong nakaraang buwan.

"Mga tol pinsan ko nga pala si Wendy" pakilala ni Owen.
"Tol bat ngayon mo lang pinakilala yang pinsan mo, akalain mo may pinsan ka palang maganda" sabi ni Bryan.
"Syempre naman tol, nasa lahi na yan" sabi naman ni Owen.
"Buhat bangko ganun tol?" biro naman ni Bryan.
"Langya to, ibig mong sabihin pangit ako ganun?' banat naman ni Owen.
"Wala akong sinasabing ganyan tol, syempre lahat tayo may mga kanya kanyang dating lalo na sa mga chick" bawi ni Bryan.
"Sya nga pala Wendy ito ang mga kaibigan ko, Bryan, Jerome, Mhedz, Brent, at Rey" pakilala ni Owen sa amin.
"Nice meeting you Wendy" sabi ni Mhedz sabay abot ng kamay nito.
Nginitian lang naman nito si Mhedz habang nakikipagkamay, sa totoo lang isa din tong si Mhedz sa mga matinik pagdating sa babae kaya kabisado na namin ang mga kilos nya pagdating sa babae. Sa kinikilos nito mukhang may balak itong pormahan si Wendy.
"Ehem, tol mukhang nakalimutan mo atang pinsan ko yan, baka naman pwede mo nang bitawan yang kamay nya" sabi naman ni Owen.
"Pasensya naman tol, nakakawala kasi sa sarili tong ganda ng pinsan mo eh" banat naman nito.
"Mas lalong di ka papasa kung ganun tol dahil ayaw ng pinsan ko ang mga baliw" sabi naman ni Owen.
"Sya nga pala mga tol, may lakad itong si Wendy kasama ng mga barkada nya e nagpapasama sila, so naisip ko tayo na lang kasama nila, ano sa tingin nyo mga tol?" tanong ni Owen.
"Ok yan tol, sakto matagal na din tayong di nakakapag unwind" sabi ni Brent.
"Kelan nga ba yang lakad nyo Wen?" tanong ni Owen sa pinsan nya.
"Sa sabado na yun kuya, bale apat lang naman kami, so kung pupunta kayo sampu tayo" sabi nito.
"Okay, sa amin na ang drinks saka konting foods para naman may ambag kami" sabi ni Owen.
"Sige, inform ko na lang sila par makapaghanda din kami, sya nga pala bawal magdala ng mga girlfriends ha" sabi nito.
"Sure, kami lang pupunta" panigurado naman ni Owen sa pinsan.
"Okay, guys pano kita kita na lang tayo sa sabado, nice meeting you all, alis na din ako" pamamaalam nito.
"Sige Wendy, nice meeting you too" sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko.

***********************

Sabado......

"Tol tagal mo ha, akala ko di ka na makakarating e" sabi ni Owen sa akin ng makarating ako sa meeting place dahil ako na lang pala ang hinihintay.
"Pasensya na tol, medyo nagkaaberya sa bahay e, pasensya na guys kung naghintay kayo ng matagal" sabi ko.
"Okay lang yan at least nakadating ka" nakangiting sabi sa akin ni Wendy.
"O pano tara na" sabi ko at nginitian ko na lang din sya.
Actually di ako komportable kay Wendy, ewan ko kung bakit. Kaya i'm trying na iwasan sya kung maaari, isa pa ayoko munang maging close sa sinumang babae, ayoko na kasing maulit yung nagyari sa akin dati. gusto ko enjoy muna ako sa pagiging single at enjoy na lang muna sa company ng barkada.

Bale parang kami ang naging tourist guide ng naglalakad na kami papunta sa falls, nasa unahan sina Owen at Bryan, sina Jerome at Mhedz naman sa gitna at nasa pinakahulihan ako. Sinadya ko talagang magpahuli. Malapit na kami sa venue ng di ko napansin na nasa tabi ko na pala si Wendy.
"Masyado ka atang tahimik" biglang sabi sa akin.
"Ha? Hindi naman" sabi ko.
"Palagi ba kayong nagagawi dito?" tanong nya.
"Hindi naman, pangatlo pa lang ngayon" sagot ko.
"Mukha kasing kabisado nyo na yung daan, first time ko pumunta dito" sabi nya.
"Ganun ba, for sure mag eenjoy kayo dito" sabi ko naman.
"Talaga? Naeexcite tuloy ako, malayo pa ba?" sabi nito.
"Malapit na tayo, o ayan na pala e" sabi ko ng matanawan ko na ang falls.
"Wow ang ganda pala dito, ang linaw ng tubig" sabi nito na parang batang nakakita ng swimming pool.
"Dito na tayo guys, welcome to Adventure Falls" sigaw ni Owen.
Dali dali namang lumapit ang iba pa sa isang flat na bato malapit lamang sa swimming area ng falls, maganda talaga dito dahil parang sinadya talaga na may malawak na swimming area kung saan ang bandang gitna nito ay doon bumabagsak ang tubig, may korteng "Y" ang falls, may taas itong nasa higit kumulang walong metro, perfect din ito para sa mga taong mahilig magdive dahil malalim ang parteng binabagsakan ng tubig. May malinaw na tubig at kapansin pansin na hindi pa masyadong napupuntahan ito ng mga tao. Sa bandang gilid naman ay may korteng hagdan kung saan doon naman umaakyat para makarating sa taas ng talon. Isa talagang napakagandang likas na yaman ito at nakakarelaks din sapagkat presko ang hangin at malayo sa polusyon.

Agd agad namang nagset up ang grupo ng pwesto, buti na lang at wala kaming mga kasamang nagpicnic sa araw na yon. Nilabas ng mga babae ang mga dala nilang pagkain, abala din ang iab kong barkada sa pag aayos ng iba pang mga gamit. Ng matapos na ang lahat ay nag aya na agad ang mga babaeng magtampisaw sa tubig. Sinang ayunan naman ng iba pa ang ideyang yon. Wala ako sa mood na magswimming that time kaya ako na lang ang nagbantay sa mga gamit namin.

"O tol, di ka maliligo?" tawag sa akin ni Mhedz.
"Mamaya na tol, enjoy na lang kayo dyan" sabi ko naman.
"Sige sabi mo yan, ikaw na muna bahala dyan" sabi nito.
Tumango na lang ako. Pinanood ko silang masayang nagtatampisaw sa tubig, ang saya nilang tignan, parang wala silang mga problema. Aaminin ko sa sarili ko na may epekto pa din sa akin ang mga nangyari ilang buwan na ang nakakalipas, sa tuwing naaalala ko yon ay di ko pa rin maiwasang masaktan. Anyway ayaw kong masira ang araw ko dahil lang don, tapos na yon at dapat na sigurong ibaon ito sa limot.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo" nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Ah ikaw pala Wendy, bakit umahon ka na agad" sabi ko.
"Nakita ko kasing nandito ka kaya umahon na ako, may problema ka ba?" tanong nito.
"Wala naman, may iniisip lang" sabi ko.
"Kung ano man yan wag mong hayaang igupo ka sa lungkot, nandito tayo para magsaya at nandito ako para mapasaya ka" sabi nito.
"Salamat" sabi ko na lang.
"Halika, enjoy natin ang araw na to" sabi nito at hinila ako papunta sa tubig.
"Wait, tanggalin ko lang shirt ko" sabi ko naman.
Muli nya akong hinila ng matanggal ko na ang shirt ko, nagpaubaya na lang ako. Malamig ang tubig at nakakarelaks sa katawan. Sa di kalayuan ay enjoy na enjoy naman ang iba sa paglalangoy.
"O ayan tulala ka nanaman" untag sa akin ni Wendy.
"Pinagmamasdan ko lang sila" sabi ko sabay turo sa kabilang grupo kung saan nagkakasayahan sila.
"Talaga lang ha, ah Rey may tatanong lang sana ako sayo kung pwede" sabi nito.
"Sure, ano ba yon?" sabi ko.
"May kinalaman ba sa ex-girlfriend ang pagiging tahimik mo?" tanong nito.
Napakunot ang noo ko sa tanong nya.
"Sorry ha, kinulit ko kasi si kuya Owen, interesado lang ako sayo kaya nagtanong ako sa kanya, ayun nasabi nya ang story mo pati na din yung sa ex mo" sabi nya.
"Wala na yon, tapos na yon" sabi ko.
"Sorry ha kung nakikialam ako, gusto ko sanang tulungan kang makalimutan ang mga nangyari sayo" sabi nito.
"Okay lang naman ako, salamat pero kaya ko ang sarili ko" sabi ko.
"Gusto lang naman kitang tulungan e" tuloy na sabi nito.
"Alam mo, ienjoy na lang natin ang araw na to, wag na nating pag-usapan yan, okay lang ba?" sabi ko dahil naiinis na ako sa pagiging pakialamera nito.
"Okay, sorry ulit kung makulit ako" sabi nito.
"Okay lang, punta na tayo sa kanila at baka kung ano pa isipin nila" sabi ko.

"O kala ko ba di ka maliligo tol" sabi ni Mhedz sa akin ng nakalapit na kami sa kanila.
"Si Wendy e makulit kaya pinagbigyan ko na" sabi ko.
"Tol, pansin ko lang ha, may tama ata sayo yang pinsan ni Owen ah" sbai nito.
"Ano ka ba tol, kung ano napapansin mo, friendly lang siguro sya" sabi ko.
"Iba yung tingin sayo tol e, ingat lang tol alam mo naman pinsan yan ni Owen baka magkagulo pa ang tropa" sabi nito.
"Relaks tol, wala naman akong balak na talunin ang tropa, saka ayaw ko muna ng relasyon" sabi ko.
"Ipaubaya mo na lang sa akin tol, okay lang naman siguro sayo" sabi nito.
"Loko loko ka talaga, akala ko ba walang talo talo sa tropa, baka pag nalaman yan ni Owen mag away pa kayo" sabi ko naman.
"Type ko lang kasi yang si Wendy, sarap nyan tol panigurado" sabi nito.
"Gago ka talaga ano, sabi ko na nga bat yan lang ang nasa utak mo e, kahit kelan talaga malibog ka" sabi ko sabay tawa.
"Aba nagsalita nag hindi, kung di ko pa alam" sabi naman nya.
"Dun ka na nga, panira ka e" pagtataboy ko sa kanya.
"Pero tol wag mong sabihing di ka nagagandahan dyan sa pinsan ni Owen" sabi nito.
"Oo na, maganda nga, e ano naman ngayon" sabi ko.
"Ulol, painosente ka pa, kilala kita bro kaya wag mo na akong lokohin" sabi nito.
"Bahala ka na nga, basta pass na muna ako dyan, sayo na lang kung gusto mo" sabi ko.
"O ayan wala ng bawian, wag kang maiinggit kung madale ko yan, di bale tol ikukuwento ko sayo kung ano gagawin namin hahahahaha" sabi nito.
"Loko loko, sige sige dun ka na, simulan mo na diskarte mo baka sakaling makascore ka" sabi ko naman.
Tumatawa lang tong umalis at nagtungo nga sa kinaroroonan ng mga babae kung saan nadun si Wendy. Nakita ko pang nakipag usap ito sa dalaga. Umahon naman ako dahil wala talaga ako sa mood maligo.

"Bat naman iniwanan mo kami don, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala" bigla bigla ulit sumulpot si Wendy sa tabi ko.
"May lahi ba kayong kabute at palagi ka na lang sumusulpot sa kung saan" sabi ko.
"Masyado ka lang kasing busy sa pag iisip kaya di mo napapansin na may tao na pala sa tabi mo" sabi nito.
"Bat ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Kasi nandito ka, sinundan lang kita" sabi nito.
"Baka hanapin ka dun, iwanan mo na lang muna ako dito" sabi ko.
"Bat ba ang suplado mo, ayaw mo ba sa akin?" tanong nito.
"Hindi naman sa ganun, ayaw ko lang pagsimulan to ng di namin pagkakaunawan ng pinsan mo" sabi ko.
"Ano namang kinalaman ni kuya dito?" tanong ulit nito
"Basta" sabi ko.
"Kaya ba si Mhedz ang pinapalapit mo sa akin? Pano ka makakamove on kung ganyan ka, akala ko ba tapos na yon, pero it seems na hindi mo pa rin makalimutan ang ex mo, come on Rey hindi lang naman sya ang babae sa mundo, why don't you look around you, marami pa namang iba dyan" sabi nito.
"Wala kang alam sa pinagdaanan ko kaya wala ka ding karapatan para sabihin sa akin yan, now kung wala ka ng sasabihing iba iwanan mo na ako dito" sabi ko.
"Bakit ba pinag aaksayahan mo ng oras ang pag iisip ng isang taong wala na sayo" patuloy nito.
"Gusto kita Rey at alam kong di lingid sayo yan, gusto kitang tulungan sa kahit na anong paraan para makalimutan ang babaeng yon" sabi pa nito.
"I dont need your help, ilang beses ko bang uulitin sayo yan, kaya ko ang sarili ko" sabi ko.
"Let me help you, let me erase all the bad memories of that girl" sabi nito.
"Wendy bakit ako, di mo pa ako kilala, so why me?" tanong ko.
"Bakit hindi, you're popular in our school at kilala kita, kilala ko din ang mga ex mong nang iwan sayo, maybe di mo ako kilala dahil di naman ako kilala sa school pero ikaw halos lahat kilala ka at noon pa man gusto na kita its just that may nauna na sa akin at ngayong wala na sila i will do anything para naman kahit papaano mapansin mo ako so please let me enter in your life, please Rey" pakiusap nito.
"Di mo alam sinasabi mo, look Wendy ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Owen dahil sayo, at ayokong magaya ka sa ibang babaeng nagdaan na sa buhay ko, kung inaakala mong kilala mo na ako, nagkakamali ka, di ako mabuting tao kung yan ang pagkakakilala mo sa akin, makasarili ako, walang kwentang boyfriend, isang taksil at walang paninindigan, im trying to change that old image of me" sabi ko.
"Walang pakialam si kuya Owen dito, gusto ko ito at walang pumipilit sa akin, kaya kitang iaccept kahit sino ka pa, i know this sound insane but i will do anything to make you mine" matigas na sabi nito.

Itutuloy......

No comments:

Post a Comment