Part 24: Panaginip
Ang himbing ng tulog ko ng gabing yon. At ang ganda pa ng panaginip ko. May isang napakagandang lugar daw kung saan ako napadpad. Malaparaiso ang lugar na yon, ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang tanawin, tahimik ang paligid, sariwa ang hangin, tanging lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon ang naririnig. Para itong nasa gubat na inalagaan ng kung sino, wala kang makikitang bakas ng kalupitan sa paligid, lahat ay nasa tamang ayos. Naglakad lakad ako sa paligid, at sa aking paglalakad ay di ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng kapaligiran. Hanggang sa nakarating ako sa isang talon, maging ito ay may angking kagandahan na ngayon ko lang din nakita, may mga nakita din akong mga hayop na umiinom sa malinis na tubig mula sa talon, ang ipinagtataka ko lamang ay bakit di sila natatakot sa akin, parang di nila ako nakikita at patuloy lamang sila sa kung anuman ang kanilang pinagkakaabalahan. Naisip ko lang, patay na ba ako? Bakit parang nasa paraiso na ako, pero baka hindi rin kasi di ba dapat sa paraiso may mga kasama din ako, e parang wala ngang tao dito e. Napukaw ang aking pagmumuni muni ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito" tinig ng isang babae sa aking likuran.
Agad naman akong napalingon at muli nanaman akong namangha sa aking nakita. Ang babaeng may ari ng boses ay isang ubod ng gandang nilalang. Napakaamo ng kanyang mukha, napakaaliwalas ng kanyang mga mata, may matangos na ilong at labing mapinis na sadyang natural ang pagkapula. Isa syang perperktong nilalang para sa akin, para syang diwata ng kagandahan. Nakaputi itong damit na mahaba, ang kanyang kutis ay halos sing puti din ng kanyang kasuotan. Para tuloy akong nasa isang palabas ng fantasy. "Sino ka? At bakit ako nandito?" tanong ko sa dilag.
"Ako si Ada at ako ang nangangala sa lugar na ito, nandito ka para maging katuwang ko sa pangangalaga dito" sagot nito.
"Saan ba tong lugar na to, bakit tila ngayon lang ako nakapunta dito saka bakit tayo lang ang tao, wala ka bang kasama?"
"Nasa ibang dimensyon ka ng mundo kaya ngayon mo lang nakita lahat ng ito, dito tanging ako lang ang namamahala sa lahat kaya nandito ka para maging katuwang ko" sabi nya.
"Pero bakit ako? Hindi naman ako marunong mangasiwa sa ganitong lugar, ano bang malay ko sa pangangalaga ng gubat" sabi ko.
"Nakakatuwa talaga kayong mga tao, masyado kayong matanong" sabi nya.
"Teka lang ha, kung sabi mong nasa ibang dimensyon ako ibig bang sabihin na patay na ako?" tanong ko.
"Hindi ka pa patay, ito ay isa lamang imahinasyon. Imahinasyon mo. Ginagampanan ko lamang ang aking papel sa iyong imahinasyon" sabi nya.
"Ang gulo naman, paanong imahinasyon ko e di ko nga alam bat ako nandito, naguguluhan talaga ako" sabi ko.
"Wag kang mag alala walang mangyayari sayo dito dahil ikaw ang bida sa iyong imahinasyon at ako ay isa lamang sa mga ito" sabi nya.
"Ewan ko sayo, magulo kang kausap, buti na lang maganda ka" pabulong kong sabi.
"Di ba yan naman ang laman ng imahinasyon mo, makatagpo ng isang magandang nilalang, isang nilalang na perpekto sa iyong isip" patuloy nya.
"Teka, narinig mo pa yun, halos di ko na nga naisatinig yun a, pano mo nalaman lahat ng yan?" tanong ko.
"Dahil ako ay isang diwata, ang diwata sa iyong panaginip at diwata ng iyong imahinasyon" sabi nya.
"Isa kang diwata? Totoong diwata? Pinagloloko mo ata ako e, di naman totoo ang mga diwatang yan e" sabi ko.
"Kung ganun, bakit laman ako ng iyong imahinasyon, kung totoong di ka naniniwala sa mga diwata, bakit ako nandito? At bakit ako ang laman ng panaginip mo?" tanong nya.
"Aba malay ko, nagising na lang akong nandito na at ayan nga nandyan ka na, anong malay ko kung bat ako nandito" sabi ko.
"Dahil tulog ang iyong katawan at diwa ngunit ang iyong kaisipan ay nasa isang paglalakbay at dito ka tinangay ng iyong kaisipan na sya namang laman ng iyong mga imahinasyon" sabi nito.
"Di ko pa rin maintindihan, magulo pa rin talaga, sya nga pala, wala ka bang magulang o pamilya at kelangang ako pa ang gagambalahin mo?" tanong ko.
"May nakikita ka bang kasama ko? Natural wala" sabi nya.
"May pilosopo din palang diwata, hanep ah" sabi ko.
"Nagpapaliwanag lang, at isa pa, ikaw ang aking napili dahil may mga katangian kang naiiba sa lahat" sabi nito.
"Ano namang mga katangian yan? Pwede ko bang malaman para naman may ideya ako" sabi ko.
"Malalaman mo din yan sa tamang panahon, may mga tao ka pang makakasalamuha at sila ang magsasabi sayo kung ano ang mga katangian mong magugustuhan nila" sabi nya.
"Bakit di mo pa kasi sabihin ngayon para matapos na to?" sabi ko.
"Kung sasabihin ko ngayon, e di wala ng saysay ang istorya mo, marami ka pang dapat ayusin sa buhay mo at marami ka pang makikilalang tao na makakaapekto at magpapabago ng pagkatao mo. Kailangan mo lang itong hintayin dahil lahat ng bagay ay may tamang oras" patuloy nya.
"Kailangan ko pa talagang hintayin yung time na yun?" tanong ko.
"Oo, wag ka lang mainip dahil darating din yon" sabi nya.
"Ah ok sige sabi mo e, may isa pa akong tanong, kayong mga diwata ba nagkakaroon din ng kasintahan o asawa?" tanong ko.
"Lahat ng nilalang na may buhay ay may kakayahang magparami, gaya ng hayop, insekto at halaman may kakayahan din kaming magparami kaya ang sagot ay oo" sagot nya.
"Oo at hindi lang ang sagot, pinahaba pa. E nasaan ang asawa mo?" muli kong tanong.
"Mukha na ba akong may asawa?" tanong din nya sa akin.
"Kaya nga nagtatanong di ba, malay ko ba kung meron na, di ka din pilosopo ano, kanina ka pa ha" sabi ko.
"Hindi lang kayong mga tao ang may karapatang mamilosopo, sa tanong mo kung may asawa ako, wala akong kasama dito at wala din akong pamilya, ibig lang sabihin na wala din akong asawa o kasintahan, kaya nga nandito ka para maging kabiyak ko" sabi nya.
"Ako? Ako talaga, putsa ang swerte ko naman" sabi ko.
"Mas maswerte ako dahil pumayag ka at dahil dyan bibigyan kita ng isang gantimpala" sabi nya.
Magkikiss na dapat kami kaso bigla na lang akong nagising........
"Rey binabangungot ka ata" si Wendy pala ang gumigising sa akin.
"Ha?" naalimpungatan kong sagot.
"Umuungol ka kasi kanina" sabi nya.
"Ganun ba, pasensya ka na kung nagising pa kita, may napanaginipan lang ako" sabi ko naman.
"Ok ka lang ba? Gusto mong lumipat sa kwarto?" tanong nya.
"Ah wag na, ok lang naman ako dito" tanggi ko.
"Baka bangungutin ka e, sige na lipat ka na dun" pamimilit nya.
"Hindi na siguro, panaginip lang naman yun e" sabi ko.
"Wag na kasi matigas ulo mo, halika na sa loob" sabi nya at hinila ako.
"Ok lang naman ako dito e" sabi ko pero sumunod na din ako sa kanya.
"Mas magiging panatag ako kapag kasama kita dito, kesa naman nandun ka tapos mababangungot ka lang" sabi nya.
"Di naman kasi kelangang dito pa ako matulog e, pero sige para wala ka ng masabi" sabi ko.
"Mabuti naman, o eto kumot, higa na ulit, 12 am pa lang" sabi nya.
"Ok, salamat" sabi ko at nahiga na ako.
Sayang lang yung panaginip ko. Pagkakataon ko na sana yun. Sana pwedeng maipagpatuloy ang naudlot na panaginip ko kanina.
"Rey" tawag sa akin ni Wendy.
"Bakit?" tanong ko naman.
"Ano napanaginipan mo kanina, ang lakas kasi ng ungol mo" sabi nya.
"Ah wala yun, di ko na nga din maalala e" sabi ko naman.
Lumapit sya sa kinahihigaan ko at bigla na lang syang yumakap sa akin.
"Mahal kita" bulong nya sa akin.
"Ah Wendy, alam mo namang di...."
"Ok lang, di ko naman hinihinging suklian mo yun, basta mahal kita" putol nya sa sasabihin ko sana.
"Tulog na tayo" sabi ko na lang.
Bigla syang bumangon pagkasabi ko nun at mabilis na dumagan sa akin. Kahit medyo madilim ang paligid ay naaninag ko pa rin sya. Nakatitig sya sa akin habang ang mga kamay nya ay nakatukod sa magkabilang bahagi ng dibdib ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
Wala syang sagot bagkos ay inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Ilang sentimetro na lamang at maglalapat na ang labi namin. Dahil sa naudlot na panaginip ko kanina ay para nanaman akong nawala sa sarili. Ilang saglit pa ay magkahinang na ang labi namin. Ang lambot ng labi nya at may kakaiba din syang lasa, halatang di sya sanay sa pakikipaghalikan dahil parang nakalapat lang ang labi nya sa labi ko at hindi nya ito iginagalaw. Ako na mismo ang gumalaw, dahan dahan kong binuka ang aking labi at sinimulang isuck ng paunti unti ang pang ibabang labi nya. Sumasabay lang naman sya sa mga galaw ko. Hanggang sa dila ko naman ang gumalaw at ipinasok sa kanyang bibig, mukhang nakuha nya naman ang nais ko dahil bahagya nyang ibinuka ang kanyang bibig ng maramdamdam nya ang aking dila. Agad kong hinanap ang dila nya at sinimulan ko na ang ritwal. Nawala na ako ng tuluyan sa aking sarili at hindi na ako nakapagpigil pa. Naging matagal ang halikang yon, humihingal pa sya ng matapos kong pakawalan ang labi nya. Walang anumang salita ang lumalabas mula sa amin. Nakatitig pa rin sya sa akin at para bang binabasa aking iniisip.
Itutuloy.....

No comments:
Post a Comment