Saturday, 20 June 2015

My friend's mother

Ang kwentong inyo pong masusubaybayan ay pawang kathang isip lamang, ang anumang pagkakatulad ng mga pangyayari, lugar ng kaganapan at pangalan ng mga tauhan ay hindi sinasadya ng may akda.

Chapter 1:

Magkaibigang matalik sina Allyana at Vincent, mula pa nong high school at pagpahanggang ngayon na nasa huling baitang na sila ng kolehiyo. Lagi silang napagkakamalang magkasintahan dahil sa kanilang closeness sa isat isa. Katunayan, ni hindi nila nasubukang pumasok sa isang relasyon dahil laging nauudlot dahil na din sa kanilang closeness. Pero ang totoo ay magkaibigan lang talaga sila at walang namamagitan sa kanilang dalawa, kumbaga best of friends na sila. Kabisadong kabisado na nila ang isat isa at walang lihiman sa dalawa. Kung tatanungin nyo naman kung nagkagusto na ba sila sa iba, ang sagot ay oo naman. Maraming beses na din namang nanligaw itong si Vince (short for Vincent) sa ibang babae, ang problema nga lang laging kontra si Ally (short for Allyana) sa mga natitipuhan ng kaibigan, kesyo maarte, mapanglait, at kung anu ano pang mga kapintasan ang kanyang napapansin. Kaya naman ang resulta ayun nganga walang jowa itong si Vince. Ganun din naman kay Ally, di rin mabilang ang mga manliligaw nito pero ni minsan walang pumasa sa kanya at wala ding pumasa sa kanyang bestfriend. Lagi kasing kinikilatis ni Vince ang mga manliligaw nya, at para sa kanya walang pumasa sa kanyang qualifications. So ang resulta pareho silang walang jowa. Pero ok lang naman yun sa dalawa dahil ayon din sa kanila priority daw nila ang pag aaral at may panahon daw para sa mga relasyon na yan. At isa pa masaya naman sila sa isat isa kahit na magkaibigan lang sila.

Si Desiree (Dhes for short) naman ang mommy ni Allyana. Isang balo dahil bata pa lang si Ally nung namantay ang ama nito dahil sa isang di inaasahang aksidente. Mahigpit si Dhes pagdating sa kanyang anak, walang lalaking nakakaakyat ng ligaw sa kanyang anak dahi ang katwiran nya ay bata pa ito at di pa napapanahon para sa isang relasyon. Sa katunayan, di nya alam na may bestfriend itong si Ally, mga babaeng kaibigan lang ang pinapayagan nyang makadalaw sa anak. Si Dhes ay nasa mid 30s na, pero kahit na ganun ay maganda pa rin dahil sa di pagpapabaya sa sarili. Mula ng mamatay ang kabiyak ay di na nag akasya ng panahon itong si Dhes na humanap ng katuwang sa buhay, ibinuhos nya lahat ang kanyang oras sa trabaho at sa pagpapalaki sa nag iisang anak. Marami ang nanliligaw sa kanya pero para sa kanya walang makakapalit sa yumaong asawa sa kanyang puso at isa pa lagi nyang iniisip ang kapakanan ni Ally kaya naman wala syang tinanggap sa mga manliligaw.

Nagmamadali si Vince ng araw na yon dahil late na sya sa kanyang first subject, terror pa man din ang prof nya kaya naman kumakaripas na sya ng takbo para lang maabutan ang klase. Dahil sa kanyanh pagmamadali ay di nya napansin ang isang babaeng may kausap sa telepono sa kanyang harapan, nagkabungguan sila at natumba silang pareho. Ang masama pa ay nadaganan pa nya ang babae at sakto pang dumapo ang kanyang kamay sa dibdib ng babae. Parehas natigilan ang dalawa dahil sa nangyari, unang nahimasmasan ang babae kaya agad nyang tinulak ang binata at agad agad na tumayo.
"Ano ka ba naman, di mo ba tinitignan ang dinaraanan mo, nakita mo namanh nasa harap ako di ba" mataray na sabi ng babae.
"Pasensya na po kayo ma'am, di ko po kasi kayo napansin, nagmamadali po kasi ako dahil malalate na po ako sa klase" paumanhing sabi ng binata.
"Sa susunod mag iingat ka ng di ka makasakit ng tao" pairap pa ring sabi ng babae.
"Sorry po talaga, may masakit po ba sa inyo? Gusto nyo po pacheck up?" sabi ng binata.
"No no im fine, salamat na lang" sahi ng babae sabay talikod nito at naglakad palayo.
"Ang sungit naman ng babaeng yun, nagmagandang loob na nga ang tao sinungitan pa, sayang maganda pa naman" bulong ng binata sa sarili.
Dahil sa pangyayaring yon ay di na sya nakapasok sa unang klase, para saan pa e sigurado din naman syang di na sya papapasukin ng terror na prof dahil nga late na sya. Napagpasyahan nya na lang na tumambay muna sa library para dun ay mag aral at magprepare para sa kanyang next subject. Kasalukuyan syang nagbabasa ng kanyang notes ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Hoy asan ka? Bat di ka pumasok?" text mula sa kanyang kaibigang si Ally.
"Late na ako e, sigurado namang di ako papapasukin nyang si gurang" reply nya.
"Bat ba kasi late ka?" tanong ng kaibigan.
"Nalate ako nagising, saka ginawa ko kasi yung project natin" reply nya sa dalaga.
"Sabi ko kasi sayo dapat nag aalarm ka par di ka malate, ang tigas din kasi ng bungo mo e ano?" reply ng kaibigan.
"Wag ka na nga manermon, makinig ka kaya jan, mamaya mahuli ka pa ni gurang, maya na tayo mag usap, may kukuwento ako" reply nya saka binulsa ang cellphone at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay sayo" sabi ng binata ng lapitan sya ng dalaga.
"Alam mo naman na si gurang laging overtime sa klase, ano nga pala yung ikukuwento mo?" tanong naman ng dalaga at umupo na sa tabi ng kaibigan.
"May magandang babae akong nakabungguan kanina, kaso mukhang masungit e, sayang nga e maganda pa naman" sai ng binata.
"E baka naman dahil nagmamadali tapos nabunggo mo pa nga" sabi ng dalaga.
"Di ko naman sinasadyang mabunggo ko sya, ako din naman nagmamadali, sayang talaga kasi di ko man lang sya nakilala" sabi ng binata.
"Over ka naman kung makapagreact, malay mo may asawa na pala yun o kaya may dyowa na pala" sabi naman ng dalaga.
"Wala pang asawa yun, halata namang dalaga pa yun e, saka anu naman kung may dyowa na, yun ngang may asawa nasusulot pa e, dyowa pa kaya" sabi ng binata.
"Hoy hoy wag ka ngang ganyan, kelangan ko munang makilala yun bago mo ligawan, mahirap na baka mamaya hindi pala maganda ugali, o kaya baka naman masamang tao ganun" sabi ng dalaga.
"ikaw talaga kahit kelan napakaoverprotective mo, syempre di ko naman agad liligawan yun kung sakali, oo ngat maganda sya pero di lang naman yun ang basehan ko sa babae ah at alam mo yan" sabi ng binata.
"Ang akin lang naman e paalala, kilala kaya kita" sabi naman ng dalaga.
"Oo na po, sige na panalo ka na, di na ako nanalo sayo" sabi ng binata.
"Tara na nga, baka malate pa tayo sa next class" pagyayaya ng dalaga sa binata.




No comments:

Post a Comment