Tuesday, 16 June 2015

Rey Stories: Part 19: Cool Off

Part 19: Cool Off

Isang desisyon ang napagpasyahan ko, yun ay putulin na ang relasyong namamagitan sa amin ni Mitch. Ayoko ng gumulo pa ang sitwasyon namin ni She, tama na yung isang beses akong nagkamali. Ayoko na ring dagdagan pa ang sakit na nararamdaman nya, mas mabuti na rin siguro to para maging maayos na ang lahat, para maging ok na kai ni She at maging ok na din sila ng pinsan nya. Ako pa kasi talaga ang naging dahilan para lang magkaroon ng gap sa pagitan nila, kung di ba naman kasi sa katangahan at kalibugan ko di sana ok pa kami ngayon. Ni hindi pa nga ako nakakamove on kay Marg tapos eto nanaman ang isang problema, ang hirap pala ng ganito, baka ito na nga ang sinasabi nilang trials when it comes to a relationship. Ito na yung time na may masasaktan at may maiiwanan dahil di naman laging puro saya ang pwedeng maramdaman, kaakibat din nito ang sakit.
"Mitch pwede ba tayong mag-usap" sabi ko isang hapon na pumunta ako sa kanila, buti na lang at timing na nasa labas sya kaya di ako nahirapan sa plano kong pakikipag usap sa kanya.
"Tungkol saan?" tanong nya.
"Mamaya ko na sasabihin, sa park tayo mag usap, mauna na ako dun, hintayin na lang kita" sabi ko.
"Sige pupunta ako, paalam lang ako" sabi nya at dumiretso na sya sa loob, diretso na din ako sa park.
Mga ilang minuto lang ang inantay ko at nakita ko na syang padating.
"Maupo ka, mahalaga ang pag uusapan natin ngayon" panimula ko.
"Tungkol saan ba yan at sinadya mo pa ako sa bahay, alam ba to ni She?" sabi nya.
" Hindi, ayaw nya pa rin akong kausapin hanggang ngayon, galit pa rin siguro sya, pero di yon ang dahilan kaya gusto kitang makausap" sabi ko.
"So ano ba pag uusapan natin?" muli nyang tanong.
"Tungkol sa atin" sabi ko.
"Tungkol sa atin? Bakit? Ok naman tayo di ba? Wala naman tayong problema" sabi nya.
"Yun nga ang problema Mitch, dahil sa relasyon at kasunduan natin kaya magkagalit kayo ni She at maging sa akin" sabi ko.
"Pero nagkausap na kai ni She tungkol dyan at ok naman na sya sa akin, sabi nya ok na yun at wag na lang isipin" sabi nya.
"Sabi nya lang yun pero ang totoo hindi, parang di mo naman kilala yun" sabi ko.
"Basta ok na kami at wala ng problema" sabi nya.
"Mitch kasi naisip ko, kung ang dahilan ng pagkakagalit ni She sa atin ay yung tungkol sa namagitan sa atin, siguro mas magandang tigilan na natin yung relasyon natin" sabi ko.
"Ano kamo?" tanong nya na para bang hindi nya talaga narinig ang sinabi ko.
"Cool off muna tayo Mitch, tigilan na muna natin to, ayoko ng masaktan pa si She" sabi ko.
"Cool off, you mean brinebreak mo n ako?" sabi nya.
"Hindi naman totally break Mitch, palamig lang muna ganun hanggat di pa tayo ok nina She, at binibigyan din kita ng pagkakataong makipagkilala sa iba, malay mo may makita kang iba na mas bagay sayo" sabi ko.
"Pero bakit Rey? Di mo na ba ako mahal, ok naman tayo di ba? Saka ok naman na kami ni She, kasi nga di ba nag usap na kami at wala ng problema dun, bakit kelangan pa nating magcool off" sabi nya.
"Sige sabihin na nating ok na kayo pero paano naman kami, hanggang ngayon di pa rin kami nagkakausap ng maayos, nakikita ko nga sya sa school pero para lang akong hangin sa kanya na di nakikita, gusto ko naman na magingnok din kami kaya nga hinihingi ko sayo to para mas maging ok ang sitwasyon" sabi ko.
"Pwede namang tayo pa rin habang sinusuyo mo sya, gaya ng dati, secret lang, ok naman yun sa akin yun, di na kelangan pang umabot sa ganito" sabi nya.
"Mitch unawain mo naman sana ako, ayoko ng maulit pa yung pagkakamaling nagawa natin, tama na yun, sana naman maintindihan mo" sabi ko.
"Di ko maintindihan Rey e, ang gulo, bakit ka makikipagbreak sa akin kung pwede mo namang maauos ang lahat ng di nadadamay ang relasyon natin" sabi nya.
"Mitch nakikinig ka ba, cool off lang ok di naman yin break, parang binibigyan lang natin ang sarili natin ng konting time para pag isipan ang mga bagay bagay saka isa pa para maiwasan na rin natin ang mga bagay na pwedenh makasakit kay She, sa tingin mo ba matutuwa yun kung malaman nyang hanggang ngayon e may namamagitan pa rin sa atin, malamang pag nalaman nya yun mas lalo lang magugulo ang buong pangyayari, kaya sayo ko na hinihingi to kasi alam kong maiintindihan mo" sabi ko.
"Pero Rey pwede namang isecret na kang ulit natin, promise di na ako magsasalita tungkol dun, ayokong magbreak or cool off tayo, please Rey wag mo naman gawin sa akin to" sabi nya.
"Buo na ang desisyon ko" sabi ko.
"Di ako papayag, di pwedeng ikaw lang magdedesisyon, may karapatan din naman ako" sabi nya.
"Mitch intindihin mo naman kasi ang sitwasyon ko, pansamantala lang naman e" sabi ko.
"E ang sitwasyon ko inintindi mo ba sa desisyon mo? Naisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko? Akala mo ba ganun lang kadali ang gagawin mo? Pano naman ako Rey?" sabi nya.
"Para naman to sa ikakabuti nating tatlo, pag maayos na ang lahat siguro pwede natin ulit ituloy kung ano nasimulan natin, ayaw mo bang maging masaya ang pinsan mo?" sabi ko.
"Sino bang hindi gusto na maging masaya? Lahat naman tayo gusto nating maging masaya, pero sa gagawin mo sa tingin mo ba magiging masaya ako?" sabi nya.
"Mitch sorry pero i need to do this for She" sabi ko.
"Puro na lang si She, si She, kelan naman ako? Kelan mo naman iisipin ang kaligayahan ko, nakikihati na nga ako e, di ko naman hinihiling ang buong pagmamahal mo, pumayag na nga ako dati na kahit sikreto lang kasi alam mo namang mahal kita at masaya na ako na makasama ka kahit saglit lang at malaman ko mula sayo na mahal mo din ako kahit di buo" sabi nya.
"Please Mitch" sabi ko.
"No Rey, my answer is no. I will never give up on you. Tapos ang usapan" madiin nyang sabi.


Itutuloy.........



No comments:

Post a Comment