Thursday, 4 June 2015

Rey Stories: Part 17: Missing Marg

Part 17: Missing Marg

Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang sulat ni Marg para sa akin. Kahit paulit ulit ko mang basahin ay di ko pa rin lubos maisip na wala na sya, na matatagalan pa bago kami magkita, na kahit sinabi nyang walang magbabago, na hinding hindi sya hahanap ng iba, na mahal na mahal nya ako, naroon pa din ang takot, lungkot at alinlangan. Takot dahil di ko alam kung magkikita pa ba talaga kami? At takot na baka makalimutan nya ako. Lungkot dahil hindi ko na sya makakasama dito, kahit na sabihin pang nandyan lang naman sina She at Mitch pasayahin ako, pakiramdam ko kasi ay parang may isang bahagi ng pagkatao ko ang nawala at yun ay si Marg. At alinlangan dahil di naman ako sigurado kung mapapanindigan nya ang sabi nyang di sya maghahanap ng iba. Di rin naman posibleng mahulog ang loob nya sa iba doon, lalo na't maganda sya at sigurado akong marami ang magkakandarapang makuha ang puso nya. Nag-aalinlangan din ako sa sarili ko kung kaya ko nga bang panghawakan ang sulat na to. Paano kung sa pagbalik nya ay may iba na syang mahal, pano kung babalik lang sya para makipaghiwalay na ng tuluyan sa akin. Kaya ko kayang tanggapin?
"Rey may problema ba tayo?" tanong ni She ng magkasama kaming kumain ng lunch.
"Ha? Wala tayong problema, bakit mo naman natanong yan? " sabi ko.
"Napapansin ko kasi wala ka masyadong kibo, may di ka ba sinasabi sa akin?" muli nyang tanong.
"May iniisip lang ako" sabi ko.
"Tungkol ba yan kay Marg? Nalulungkot ka ba dahil wala sya?" tanong nya.
"Di mo naman maaalis sa akin ang malungkot lalo nat nasanay din naman ako na lagi syang kasama, na lagi tayong masaya" sabi ko.
"Sabagay firts GF mo nga pala sya. Bakit nga ba hanggang ngayon di pa sya pumapasok, may balita ka na ba tungkol sa kanya?" tnong nya.
"Wag ka ng umasang makikita pa natin sya dito" sabi ko.
"Bakit naman, may alam ka ba na di ko alam?" muli nyang tanong.
"She di ko na sinabi sayo to kasi ayokong pati ikaw madamay pero siguro kailangan mo ding malaman kung ano ang rason kung bakit hanggang ngayon ay di pa pumapasok si Marg" sabi ko.
"Ano nga bang dahilan?" sabi nya.
"Nakausap ko kasi yung mama nya, sinabi nya sa akin na sa Pampanga na daw sya magpapatuloy ng pag-aaral kasma ng mga kapatid at pinsan nya, may binigay ding sulat para sa akin at yun nga sinabi nyang dun na nga daw sya mag-aaral at wala naman daw sya magawa sa desisyon ng mga magulang nya" sabi ko.
"Kaya pala kahit anong hintay natin sa kanya e wala tayong mapapala, di na pala sya babalik dito" sabi nya.
"Pero sabi naman nya magbabakasyon naman daw sya, siguro sa christmas or new year, wala kasi syang binanggit na eksaktong araw kung kelan yun" sabi ko.
"Kaya pala malungkot ka kasi alam mong di na sya babalik, bat di mo agad sinabi sa akin para naman sana nadamayan ka" sabi nya.
"Ayoko lang naman na isipin mo pa yon, isa pa wala naman tayo magagawa, di naman natin pwedeng pilitin ang parents nya na dito sya pag-aralin" sabi ko.
"Sabagay may punto ka, pero sana sinabi mo pa rin, anyway nandito pa naman akonpara pasayahin ka, at promise di kita iiwan" sabi nya.
"She siguro mas maganda kung wag ka na lang mangako lalo na kung di naman matutupad" sabi ko.
"Bakit walabka bang tiwala sa akin?" tanong nya.
"Di naman sa ganun, ang sa akin lang naman e magirap yung magbibitaw tayo ng mga salitang di naman natin alam kung kaya nating panindigan, kasi di naman natin hawak ang sitwasyon, may mga oras kasi minsan na kelangan nating isakripisyo ang isang bagay o tao na mahal natin para sa ikabubuto ng sarili natin o ng taong mahal natin" sabi ko.
"Sabagay may tama ka dyan, siguro ienjoy na lang natin ang bawat minutong magkasama tayo, bumuo tayo ng mga masasayang ala ala na pwede nating balik balikan" sabi nya.
"Dyan ako sasang ayon sayo, pasensya ka na ha kung pati ikaw nadadamay sa pagkakamiss ko kay Marg" sabi ko.
"Naiintindihan ko naman e, natural lang naman na mamiss mo sya kasi naging parte na sya ng buhay mo, maging sa akin" sabi nya.
"Napakaswerte ko talaga kasi nadyan ka, siguro kung wala ka nabaliw na ako sa lungkot, kaya masaya ako dahil nakilala kita" sabi ko.
"Swerte ko din naman sayo e kasi ibang iba ka sa karamihan kaya nga mahal kita e" sabi nya.
"Tama na nga tong drama natin baka mamaya madiscover pa tayo, ayokong may maging karibal pa ako sayo?" sabi ko.
"Yan naman ang di magyayari i'll assure you na wala kang magiging karibal sa akin dahil sayong sayo ako, wala na nga akong pwedeng ibigay pa sayo kasi nabigay ko na lahat, baka ikaw?" sabi nya
"Bakit ako?" tanong ko.
" Baka may panibago na ulit akong karibal sa buhay mo" sabi nya.
"Wala na kasi wala naman na si Marg kay nag-iisa ka nalang" sabi ko.
"Siguraduhin mo lang ha kundi puputulin ko yan" sabi jya sabay nguso sa harapan ko.
"Wag naman, di ka na naawa matagal na ngang dieta tapos puputulin mo pa" sabi ko.
"Minsan nga sumasakit na eh, punung puno na kasi, baka gusto mong bawasan" nakangisi kong sabi.
"Dyan ka magaling, ano akala mo sa akin parausan, manigas ka" nakairap na sabi nya sa akin.
"Di ka ba naaawa sa akin, baka magkasakit na ako nyan" biro ko.
"Hay wag mo nga akong lokohin, magtiis ka" sabi nya.
"Baka naman gusto mo pasyal tayo sa sabado, labas tayo, yung tayong dalawa lang" sabi ko.
"Alam ko na yan kung san pupunta, lumang technique na yan, pero sige pag-iisipan ko parang may lakad kasi sina tita nextweek" sabi nyang nakangiti.
"Talaga, so ibig sabihin wala ka kasama, samahan kita gusto mo?" mabilis kong tanong.
"Hahaha sinasabi ko na nga ba e, alam ko na gusto mo mangyari, kasama ko si ate Mitch, umuuwi naman sya every week ends di ba?" sabi nya.
"Ay ganun ba, akala ko pa naman makakaiskor na ako" nanlulumo kong sabi.
"Pero wag kang mag-alala, pwede namang gawan ng paraan yan" sabi nya at kinindatan pa ako.
"Sige sige sabihin mo lang kung kelan, pupunta ako" mabilis ko namang sabi.
"O sya halika na at pasok na tayo, saka na lang natin pag-usapan yan" sabi nya at hinila na nya ako.
*****************
"Tao po" tawag ko sa bahay nina Mitch isang sabado.
"O napadalaw ka, anong meron?" si She.
"Dadalawin ka" sabi ko.
"Ah ganun ba, sige halika pasok ka muna, sakto wala sina tita" sabi nya.
"Wow, gusto ko yan" nakangisi kong sabi.
"Pero nandito si ate Mitch" pambabawi nya.
"Ha? akala ko pa naman masosolo na kita ngayon, may asungot ka naman palang kasama" sabi ko.
"Hahaha iba kasi iniisip mo e, buti nga sayo" sabi nyang binelatan pa ako.
"O hi Rey, napadalaw ka, kumusta ka naman?" nakangiting bati sa akin ni Mitch.
"Ok naman ako, dinadalaw ko lang si She, matagal tagal na din kasi akong di nagagawi dito kaya naisipan kong puntahan sya" sabi ko.
"Ah ok, gusto mo merienda?" tanong nya.
"Mamaya na lang siguro, di pa naman ako nagugutom, kumusta naman pala college life ate?" tanong ko.
"Ok naman, medyo nag-aadjust palang ako, saka naghahanap pa ng mga friends" sabi nya.
"Mabuti naman kung ganun, mahirap ba sa college?" muli kong tanong.
"Carry lang naman, ok nga e kasi may kanya kanyang schedule, saka paiba iba ang classroom at classmate, di gaya sa high school na fixed lahat ng schedules" pagkukuwento nya.
"Parang nakakaexcite naman pala magcollege, gusto ko magkasama din tayo pag nagcollege na tayo" sabi ko kay She.
"Gusto ko yan, para naman di ka makapagloko" sabi ni She.
"Di naman ako nagloloko ah" sabi ko.
"Hindi nga ba, di ba nagloko to ate nung bakasyon?" tanong nya kay Mitch.
"Ha? Parang hindi naman, wala naman akong napansin, bakit mo nga pala natanong yan?" sabi ni Mitch.
"Naninigurado lang ako ate, baka may kahati nanaman kasi ako sa kanya" sabi nya sabay tingin sa akin.
"Dati namang meron di ba" sabi ni Mitch.
"Dati yun ate, ngayon wala na" sabi naman ni She.
"Wala na? Bakit nagbreak na ba kayo ni Marg?" tanong sakin ni Mitch.
Naalala ko tuloy si Marg dahil sa topic na yun, di ko maiwasang maiisip ulit sya. Kumusta na kaya sya dun? Namimiss ko na sya, oo ngat masaya ako dahil nandito naman si She at ngayon kasama ko pa si Mitch pero nalulungkot pa rin ako dahil sa biglaang pagkawala ni Marg sa akin. Miss na miss ko na talaga sya.
"Hindi sila nagbreak ate, iniwan nya lang naman si Rey" sabi ni She.
"Teka pwedeng pakiexplain, para kasing naguguluhan ako e" sabi ni Mitch.
"Hay naku ate, ganito kasi yun, di ba nga nagbakasyon si Marg dun sa Pampanga?" sabi ni She.
"Oo alam ko yun" sabi naman ni Mitch.
"So akala kasi namin pag natapos na ang bakasyon uuwi din sya dito, nung pasukan hinintay namin sya pero di na sya pumasok, ilang araw kaming naghintay hindi lang pala araw kung dalawang linggo, tapos isang araw nalaman na lang ni Rey mula sa nanay ni Marg na di na pala sya makakabalik dito kasi dun na daw sya mag aaral kasama ng mga kapatid at pinsan nya, syempre malungkot si Rey, sa akin pabor yun kasi wala na nga akong kahati sa atensyon nya pero alam mo bag ilang araw ng wala syang masyadong imik, alam kong dahil yun kay Marg" sabi ni She.
"Di ba nga sabi ko di mo naman maaalis sa akin yung maalala sya kasi naging parte din naman sya ng buhay ko, namimiss ko lang naman sya" sabi ko.
"Pero hanggang kailan Rey, alam mo bang naapektuhan din naman ako sa mga kinikilos mo, pati na din sa school lagi nilang sinasabi na di ka masyadong nakikiparticipate sa mga activities nyo" sabi ni She.
"Lilipas din siguro to, di pa kasi ako nakakaadjust" sabi ko naman.
"Nag aalala ako sayo e, nandito pa naman ako, at promise ko sayo na di kita iiwan" sabi nya.
Ngiti lang ag naging tugon ko sa kanya. Mataman namang nakatingin lang si Mitch. Matagal ko ding hindi nakita tong babaeng to at kahit papano namiss ko din sya.
"Pero sure ka bang ok ka lang Rey?" tanong ni Mitch.
"Oo naman ate, mukha ba akong dinok?" sabi ko.
"Medyo nga, hayaan mo kung kelangan mo ng tulong nandito lang kami ni She, hanggat kaya namin tutulungan ka namin" sabi nya.
"Salamat ate" sabi ko.
"Aba at close na din pala kayo? Di ko ata alam yan ha" sabi ni She.
"Ah ano kasi sis di ba nga pinabantayan mo sya sa akin nung bakasyon kaya naging close na kami, di ba Rey?" sabi ni Mitch.
"Ah oo, lagi nga syang nakabuntot nun" sabi ko.
"Hoy sobra ka naman, anong lagi hindi naman ah" sabi nya sabay hampas sa akin.
"Oo na nga, masahol ka pa kay She kung makabantay" pangungulit ko.
"Wag kang maniniwala dyan, sira ulo talaga yang BF mo na yan, ano ba nagustuhan mo dito?" tanong nya kay She.
"Bat di mo tanungin sarili mo ate, ano nga ba nagustuhan mo kay Rey?" balik tanong ni She.
"Bakit ako, di naman ako ang GF nya" sabi ni Mitch.
"Di ba crush mo si Rey ate" pambubuking ni She.
"She!" pabulalas na sabi ni Mitch.
"Totoo naman ate ah, deny ka pa" sabi ni She.
Ngumiti lang naman sa akin si Mitch. Deadma naman ako, bakit pa ako magrereact eh may secret affair naman talaga kami.


Itutuloy.........



No comments:

Post a Comment