Thursday, 11 June 2015

Rey Stories: Part 18: Revelation

Part 18: Revelation

"She ano ka ba, nakakahiya kaya, di naman nya kailangang malaman e" sabi ni Mitch.
"Naku ate alam na nya kaya, matagal na nyang alam kasi nabanggit ko sa kanya dati hehehe" sabi ni She.
Bigla naman syang namula dahil sa sinabi ni She. Naaaliw akong tignan sya kapag ganung namumula ang pisngi nya, para sa akin mas lalo syang gumaganda. Napatingin sya sa akin at nginitian ko lang naman sya.
"Kaya wag ka na.mahiya ate, balik sa tanong ko, ano ba nagustuhan mo sa kanya?" sabi ulit ni She.
"Ewan ko din e, di ko alam basta gusto ko sya" sabi ni Mitch ng mahina pero sapat na para marinig namin.
"Ibahin ko na lang ang tanong ate, ano yung mga katangian nyang nakita mo na wala sa iba?" muling tanong ni She.
"She ano ka ba naman bakit mo ba sa akin tinatanong yan, alam mo kung anong mga katangian meron sya kaya nga nagustuhan mo din sya di ba kaya wag mo na lang itanong sa akin yan" sabi ni Mitch.
"Uy si ate, nahihiya ka ano kasi nakaharap sya, ok lang naman yan kay Rey e, sige na ate sabihin mo na" pangungulit ni She.
"Hay naku di mo ako mapipilit, saka bakit ba sakin napunta ang hot seat na yan" sabi ni Mitch.
"Kasi ate gusto ko din malaman bakit ka nagkaroon ng crush sa akin" sabi ko naman saka ako lumapit sa kanya.
Medyo napaatras sya sa ginawa ko, lumapit pa ako sa kanya, umaatras sya habang lumalapit ako sa kanya hanggang sa wala na syabg maatrasan dahil nadikit na sya sa pader. Nilapitan ko sya at pinatong ang dalawa kong kamay sa dingding, magkaharap na kami at muli kong nilapit ang katawan ko sa kanya.
"Gusto kong malaman bakit nga ba?" halos pabulong kong sabi.
Wala namang reaksyon si She, parang kinikilig pa ang loka dahil sa ginawa ko.
"Rey ano ka ba, alis ka nga dyan" sabi ni Mitch pero mahina lang ang pagkakasabi nito.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang gusto kong malaman" sabi ko at tinitigan ko talaga sya sa mata.
Napalunok sya sa ginawa kong yon. Lumalakas din ang kanyang paghinga tanda ng tensyon na bumabalot sa kanya.
"Alam mo kung bakit Rey kaya wag mo ng gawin to" pabulong nyang sabi. Di iyon nakaraing kay She kaya lumapit sya at pinaulit ang sinabi ng nakatatandang pinsan nya.
"Ano yun ate, mahina masyado at di ko narinig" sabi ni She.
"Rey naman e, alis ka na sa harapbko please" pagmamakaawa nya sa akin.
Di ko sya pinagbigyan bagkos ay mas lalo pa akong lumapit sa kanya at ngayon ay nakadikit na ang katawan ko sa kanya, unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.
"Rey wag" mahina nyang sabi sabay tulak sa akin pero halatang walang pwersa.
Nilapit ko naman ang bibig ko sa tenga nya at binulungan ko sya.
"I miss you" bulong ko. Nanginig ang katawan nya sa ginawa ko. Humigpit ang hawak nya sa tshirt ko at halos mapadausdos na sya sa kanyang kinatatayuan. Nilayo kong muli ang katawan ko sa kanya ngunit di ko pa rin inaalis ang kamay ko sa pagkakapatong sa dingding. Napatingin sya sa akin. Tinitigan ko din sya sa mata tapos ibinaling ko ang tingin sa kanyang labi. Namiss ko tuloy syang halikan, kung wala lang si She dito baka nasa kwarto na kami ni Mitch ngayon.
"Rey tama na yan, baka mahimatay na si ate nyan" sabi ni She.
Nagkatinginan kami ni Mitch, nginitian ko sya bago ako umalis sa harapan nya. Namumula pa rin ang mukha nya. Wala syang imik at inot inot syang umupo sa sofa, para syang nawalan ng lakas. Halata pa rin ang panginginig nya dahil sa tensyong namagitan sa amin kani kanina lang.
"She pwede ba tayong mag usap nina Rey" biglang sabi ni Mitch.
"Sige ate, ano ba pag uusapan natin?" tanong ni She.
"Upo muna kayo" sabi naman nya.
Sabay naman kaming umupo ni She. Magkatabi kami at nasa harapan naman namin si Mitch.
"May pagtatapat ako She pero mangako ka muna na wag kang magagalit" panimula ni Mitch.
"Bat naman ako magagaglit ate, ano ba kasi yun?" tanong ni She.
"Promise mo munang di ka magagalit" ulit ni Mitch.
"Sige ate promise" si She.
"Kase di ba alam mo naman na may gusto na ako dati pa kay Rey?" tanong ni Mitch.
"Oo ate alam ko at ok lang naman sa akin" sabi naman ni She.
"Kasi dati kaya ko pa namang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya kaso nung pinabantayan mo sya sa akin at lagi kaming magkasama parang mas lalong nadagdagan ang nararamdaman ko sa kanya, alam ko namang di pwede dahil boyfriend mo na sya kaya lang habag tumatagal mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon. Di ko maiwasang magpakita sa kanya ng motibo na gusto ko sya" sabi nya.
"Natatandaan mo ba nung nagkasakit ka tapos pumunta sya dito para bantayan ka? Dun nagsimula ang lahat, di ko din maintindihan ang sarili ko dati bakit naattract ako sa kanya, siguro dahil sa nakita ko sa kanya yung pag alaga nya sayo at hindi sya nahiyang ipakita yun sa amin. Dati crush ko lang naman sya pero nung nakita ko kayong nagtatalik sa madaling araw dun ko naramdaman na hindi lang crush ang nararamdaman ko para sa kanya, alamnko sa sarili ko na mahal ko na sya" sabi nya.
"Nakita mo kami ate?" tanong ni She at halatang gulat na gulat sya sa narinig.
Maging ako ay nagulat din sa sinabi ni Mitch, di ko kasi inaakalang sasabihin nya to.
"Oo nakita ko kayo pero aksidente lang yon, di ko naman talaga sinasadyang makita kayo, naccr kasi ako nung time na yon kaya bumangon ako para sana umihi kaso may narinig akong ungol mula sa kwarto mo kaya agad akong sumilip, di naman ganung kadilim nun dahil alas tres na yun ng madaling araw, nung una nagulat ako dahil di ko inaakalang kaya nyo nang gawin ang mga bagay na tulad nun. Pero nagalit din ako kasi naisip ko bakit nyo ginagawa yun samantalang napakabata nyo pa. Nakaramdam din ako ng selos sayo kasi ang swerte mo naman dahil yung lalakeng gusto ko ay nasa iyo at katalik ka pa. Gusto ko kayong sugurin nun pero nagbago ang isip ko, naalala kong may camera ako kaya agad ko itong kinuha at kinunan ko kayo ng pictures, di ko alam kung bakit di nyo man lang napansin ang pagflash ng camera samantalang ilang ulit ko kayong kinunan. Napanood ko lahat hanggang sa matapos kayo." pagkukuwento nya.
"Ate sorry" sabi ni She.
"Ok lang yan She tapos na yun e, wala na taying magagawa" aabi ni Mitch.
"Nung nakita ko kayong nagtatalik may nauong balak sa isip ko, sabi ko kelangang mapasa akin din si Rey sa kahit na anong paraan kaya ginamit ko yung mga pictures nyong nagtatalik para iblackmail sya, sinabi kong isusumbong ko kayo kina tito kung di nya ako pagbibigyan sa hiling ko" patuliy ni Mitch.
"Bakit mo naman ginawa yun ate, gusto mo bang mapahamak kami" sabi ni She.
"Wala na akong maiisip na ibang paraan nun para makuha ko sya kaya yun ang ginawa ko, napagkasunduan naming di ko ipagsasabi kahit kanino ang nalalaman ko sa kundisyong makipagsex din sya sa akin" sabi ni Mitch.
"Nagawa mo yun ate? Di ako makapaniwalang ganun na lang kalaki ang pagkagusto mo sa kanya para gawin yun" sabi ni She.
"Oo gustong gusto ko sya kaya ko yun nagawa at nagtagumpay naman ako, may nangyari nga sa amin ni Rey, hindi lang minsan kundi maraming beses, nangyari laht yun nung nagbakasyon ka, lahat ginawa ko para mapasaya sya at para mapunan ang pag alis mo" sabi ni Mitch.
"Ate bat mo nagawa yun, alam mo namang mahal na mahal ko si Rey di ba, bakit ba kasi sa dami dami ng pwedeng magustuhan mo bakit sya pa" umiiyak na sabi ni She.
Di naman ako makagalaw sa kinauupuan ko, ni wala akong masabi. Para akong tuod na walang reaksyon at walang maramdaman ng mga oras na yon. Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa.
"Sorry She, di ko din naman ginusto na sya ang mahalin ko, pinilit ko naman talagang iwasan pero nadyan na yan, tapos na, ang hinihingi ko na lang sayo ay ang kapatawaran mo" sabi ni Mitch na umiyak na din.
"Ate ang sakit e, ang sakit sakit, di ko inaakalang magagawa mo yun at ikaw Rey bakit ka pumayag sa kasunduang yon, di mo ba naiisip na masasaktan ako kapag nalaman ko" sumbat ni She.
Wala akong naging tugon. Di ko alam ang gagawin ko nung oras na yon. Namanhid ang buo kong katawan.
"She wala naman syang kasalanan e, ako lahat ang may pakana, kung di ko sana sya tinakot, kung di ko sana ginawa yun sana di nya rin nagawa yun" sabi ni Mitch.
"Kahit na, may kasalanan pa rin sya, ano Rey bakit di ka makaimik dyan ha, wala ka bang sasabihin? Kelangan ko ng paliwanag mo bakit ka pumayag" tanong sakin ni She.
"Sorry She, wala akong dahilan, ginusto ko din yun, di ko naisip na masasaktan kita" sabi ko.
"Ganun na lang yun Rey? Ang tagal mo na pala akong niloloko, baka di lang si ate ang ginalaw mo baka may iba pa" pasigaw ng sabi ni She.
"Wala, wala ng iba She, sorry talaga" sabi ko.
"Hindi e, hindi ganun yun kadali, hindi naman mapapawi ng sorry mo ang nararamdaman ko, sobrang sakit kasi, sa dami dami ng babaeng pwedeng malink sayo bakit pinsan ko pa" umiiling na sabi ni She.
"She give me another chance, magsimula ulit tayo" sabi ko.
"Di ko alam Rey, di ko alam kung maibabalik pa natin sa dati" sabi nya.
"Pero mahal kita at mahal mo din naman ako di ba?" sabi ko.
"Oo mahal kita, kaya nga sobrang sakit malaman na may iba nanamang babae sa buhay mo" sabi nya.
"Pumayag lang naman ako kasi ayokong mapahamak ka, ayaw ko lang naman na mawala ka sa akin" sabi ko.
"Mas mabuti sigurong sa ibang araw na lang tayo mag-usap, hayaan mo na muna akong mapag-isa" sabi nya.
"Pero She...."
"Please Rey, gusto kong mapag-isa, sa ngayon di ako makapag-isip ng maayos kaya kung pwede lang sa ibang araw na lang" sabi nya.
"Pwede naman natin tong pag-usapan ngayon e" sabi ko.
"Rey please" sabi nya.
"Sige, pero pag-uusapan natin to ha, maaayos din natin to, babalik ulit tayo sa dati" sabi ko.
Tumango tango lang sya. Ang tanga ko kasi, bat ba kasi pumayag ako sa kasunduang yon, at saka bat pa kailangang sabihin yun ni Mitch. Isa pa syang problema, wala na nga si Marg, dumagdag pa to. Siguro ito na ang mga consequences ng mga ginawa kong pagloloko. Sa lahat ng mga kasinungalingan ko kina She at Marg. Kelangan kong lutasin ito dahil kung hindi ay baka pati si She ay mawala din sa akin. Kelangan ko na din sigurong hiwalayan si Mitch, di makakatulong kung patuloy pa ang relasyon ko sa kanya. Kelangan ko lang humanap ng magandang tyempo.


Itutuloy.........


No comments:

Post a Comment