Wednesday, 3 June 2015

Rey Stories: Part 16: Nasan si Margie?

Part 16: Nasan si Margie?

Pasukan nanaman, ang bilis ng araw, gayun pa man ay excited na rin kaso sa kadahilanang makikita ko na ulit sila (Marg and She) saka namimiss ko na sila. Maaga akong gumayak, alam nyo na unang araw ng klase, ganito naman lagi, excited pumasok ng ilang araw o linggo pero pag tumagal na ayun tinatamad ng pumasok at mas gusto na lang matulog at tumambay. Yung iba pa nga di na pumapasok, alam nyo kung nasan? Ayun nasa inuman o di naman kaya nasa bilyaran o pwede ring nasa kung saan lang, buhay estudyante nga naman. Kaya maraming mahihirap e kasi di nila iniisip ang hinaharap, mas gusto pa nilang tumambay kesa sa mag-aral. Pano pa magiging pag-asa ang kabataan kung di naman nila ginagampanan ang tungkuling dapat nilang gampanan. Ang tungkulin po natin ay mag-aral at maghasik ng kabutihan sa kapwa, hindi yung tayo pa ang nagiging sanhi ng mga away at kaguluhan o kaya naman tayo pa ang gumagawa ng mga karumal dumal na krimen gaya ng pagnanakaw, pgagamit ng pinagbabawal na gamot, panggagahasa, at pagpatay. Halos araw araw na lang kasi may nababalitaan akong ganito at laging may sangkot na mga kabataan. Mabuti na lang hindi ako ganun, kahit papano ay may takot pa naman ako.
Maaga din akong pumunta ng school, gusto ko sana silang sunduing dalawa pero sa bandang huli ay napagpasyahan kong wag na lang, mas mainam na sigurong hintayin ko na lang sila sa bungad ng paaralan, sigurado din naman akong maaga din silang papasok. Pagdating ko sa school ay tumambay ako sa isang bench na malapit sa gate, marami rami na din ang mga estudyanteng nadatnan ko dun, karamihan sa kanila ay mga freshman, nakakatuwang isipin na halos ganun din ako nung una akong napadpad dito. May iba namang nagkukuwentuhan at kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya at excitement. Ilang minuto pa ay namataan ko na si She at kasama nya si Andi, agad naman nila akong nakita kaya nagtungo sila sa kinaroroonan ko.
"Hi Rey, kumusta ka na, alam mo miss na miss na kita" sabi ni She sabay yakap sa akin ng mahigpit na akin namang sinuklian.
Natatawa naman si Andi sa ginawang pagyakap sa akin ni She, si Andi kasi yung tipong parang boyish kung umasta pero alam ko naman na babae sya, ganun lang talaga ang style nya, at wala pa syang nagiging boyfriend. Parang takot din kasi ang mga lalaking lumapit sa kanya dahil nga mas maangas pa ito kesa sa akin.
"Namiss din kita ng sobra" sabi ko kay She.
"Hoy tama na nga yan, agaw eksena na kaya kayo" sabi ni Andi.
"Namiss lang naman namin ang isa't isa" sabi ni She at kumalas na din sa akin ng yakap.
"Kumusta naman ang bakasyon mo?" tanong ko.
"Ok naman, masaya din pero di kasing saya kapag kasama kita" sabi nya.
"Naks naman, binola mo pa ako" sabi ko.
"Uy totoo kaya, lagi nga kitang iniisip e" sabi nya.
"Kaya pala di ako makatulog ng mahimbing saka lagi kong nakakagat ang dila ko, pinagpapantasyahan mo pala ako" pabulong kong sabi sa kanya.
"Ang kapal mo ha, baka ikaw dyan ang nagpapantasya sa akin" sabi nya.
"Di naman masama kung pagpantasyahan kita di ba, ang masama e kung iba ang pagpapantasyahan ko" sabi ko naman.
"Dyan ka magaling" sabi nya at kinurot pa ako.
"Ano pala section nyo? Nakita nyo na ba?" singit ni Andi.
"Di pa, tara tignan natin" yaya ni She.
"Mamaya ng konti, hintayin muna natin si Marg" sabi ko.
"Ay oo nga pala, nakalimutan ko na may Marg ka pa pala" sabi ni She.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Marg, nakapagtatakang late naman ata sya masyado.
"Rey pano yan baka di na sya papasok, halika na tignan na natin kung sang section tayo" sabi ni She.
"Kayo nalang ni Andi, hihintayin ko na muna sya, sunod na lang ako mamaya" sabi ko.
"Sunod ka ha, sige kita kita tayo mamaya" sabi nya at sabay na silang umalis.
Kalahating oras na akong naghihintay pero wala pa rin si Marg, kaya naman napagpasyahan kong sumunod na kina She. Baka di na nga sya papasok, baka di pa sila nakauwi. Mabuti na lang at mabilis ko naman silang nahanap, kasama nila ang iba nilang kaklase nung nakaraang taon, masaya silang nagkukumustahan.
"O nasan na si Marg?" tanong ni She.
"Wala pa e, baka di pa sila nakauwi" sabi ko naman.
"Ah ganun ba, halika tignan na natin kung anong section tayo, sana magkaklase tayo no" sabi nya.
"Di mo pa nakikita? Akala ko tinignan nyo na kanina ni Andi" sabi ko.
"Hinintay talaga kita, gusto ko kasing dalawa tayong titingin, nauna na kanina si Andi" sabi nya.
"Nasa second section ka pala o, nandito yung pangalan mo" sabi nya sabay turo sa pangalan ko.
"Ikaw anong section ka? Di ko kasi makita e" sabi ko.
"Teka lang ha, ah eto, ay bakit ganun di nanaman tayo magkaklase, ang daya naman" sabi nyang nakanguso.
"Ok lang yan, ayaw mo nyan nasa first section ka, iba na talaga matalino" sabi ko.
"Gusto ko sana magkasama tayo sa klase gaya nung elem pa tayo" sabi nya.
"Di bale magkikita pa naman tayo araw araw ah" sabi ko.
"Sabagay pero mas maganda sana kung magkaklase pa rin tayo, teka si Marg anong section?" tanong nya.
"Di ko nga rin mahanap pangalan nya e, saglit lang at idouble check ko" sabi ko at muling sinuyod ang mga pangalang nakapaskil sa bawat section.
Nakailang pasada na ako ng tingin pero di ko pa rin mahanap ang pangalan ni She.
"Ikaw nga tumingin, di ko mahanap pangalan nya e" sabi ko kay She.
"Sige, wait lang ha" sabi nya at sya naman ang tumingin.
"Di ko din mahanap e, baka wala talaga syang pangalan dito" sabi nya.
"Imposible naman yan" sabi ko at muli ko ulit tinignan ang listahan pero wala talagang pangalan si Marg.
"Baka di pa nakaenrol" sabi ni She.
"Pwede, kasi baka di pa nga sila nakakauwi" sabi ko naman.
"Siguro puntahan nalang natin sya sa bahay nila para macheck natin kung dumating na ba sila o hindi pa" sabi nya.
"Oo tama, puntahan natin mamaya pagkatapos ng klase" sabi ko naman.
After nun ay naghiwalay na kami dahil nagring na din ang bell, nagpunta na kami sa kanya kanyang linya. Nakita ko naman sina Owen, at timing naman na magkasection pa kami.
"O tol kumusta, akalain mo magkaklase pala tayo" sabi nya.
"Oo nga tol, buti nga pumasa ka" biro ko.
"Wow tol ano naman akala mo sa akin bobo? Ano naman silbi ng pagiging pogi ko kung di ako makakapasa" sabi nya.
"Sige na sige na ikaw na pogi tol, pero teka balita ko iba nanaman daw chix mo ah" sabi ko.
"Ah yun ba, oo tol, nakakasawa kasi yung dati kaya yon brinake ko na, nakakasakay kasi tol, alam mo yung halos araw araw magkasama kayo tapos lagi nyang sinasabi na wag ko daw syang iiwan, e alam mo namang di ako ganun tol, gusto ko fun fun lang" sabi nya.
"Kahit kelan talaga gago ka no, akalain mong hihiwalayan mo yun e ang ganda nun" sabi ko.
"Wala namang panama yun sa syota mo tol, inggit nga ako sayo dun e" sabi nya.
"Alam ko na yang iniisip mo tol, wag mo na ituloy yan ng di masira pagkapogi mo" sabi ko sabay amba ng kamao ko sa kanya.
"Relax tol, ano to talo talo? Alam mo namang di ako ganun" sabi nyang tinaas pa ang kamay tanda ng pagsuko.
"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo tol" pagpapatuloy ko naman.
"Hahaha ikaw talaga tol masyado kang protective, sabagay kahit siguro ako kung ganun kaganda syota ko malamang walang makakalapit dun, kaya naiintindihan kita tol" sabi naman nya.
"Teka nga pala tol, sina Jerome, Bryan, Jayson, Mhedz, at Jervie" tanong ko.
"Di ko din alam, mga gagong yun iwanan ba naman ako nung nagkagulo sa lamay sa kabila" sabi nya.
"Nagkagulo? Kelan yan, bat di ko ata nabalitaan?" tanong ko.
"Last week pa yun, nagkayayaan lang kami na magpunta dahil wala kaming magawa nun, e nagkagulo dahil sa sugal, ang mga pota biglang nawala nung nagkagulo na, gago talaga mga yun" sabi nya.
"Bat kasi sumali pa kayo dun, agaw gulo naman talaga pag ganung sugal, syempre may mapipikon" sabi ko.
"Adventure yun tol, dapat masubukan mo din yon minsan, exciting din kahit nagkagulo, kita mo naman pogi pa rin ako, tangna lang nila dahil di sila nakadapo ng suntok sakin, bwahahaha" pagmamayabang nya.
"Lakas din talaga ng tama mo no, nagawa mo pang ipagyabang sa akin yan?" sabi ko.
"Alam mo tol, mas masarap ang buhay kung may kasamang kalokohan, walang trill kung puro na lang aral at syota aatupagin mo, kaya minsan sama ka sa amin, sigurado akong mag eenjoy ka" sabi nya.
"Naku wag mo nga akong isali dyan sa mga kalokohan mo" sabi kong naiiling.
"Ikaw bahala, ikaw din di mo mararanasan ang tunay na buhay" sabi nya pa.

After ng klase ay nagkita kami ni She, magkasama kaming nagtungo sa bahay nina Marg. Pagdating namin dun ay kapansin pansin na tahimik dito. Nakakailang tawag na kami pero wala pa ring lumalabas. Mabuti na lang at may isang kapit bahay silang nagsabi na di pa nga daw sila nauwi. Nalungkot ako sa aking nalaman, bakit naman kaya di pa sila umuuwi?
"Mukhang naextend ang bakasyon nila" sabi ni She.
"Bakit naman sila mag eextend e alam naman nilang pasukan na" sabi ko.
"Wag ka na malungkot, babalik din naman sila e, saka nandito naman ako" sabi nya.
"Di mo rin naman maalis sa akin ang malungkot She, ang tagal na kayang di kami nagkita" sabi ko.
"Oo naiintindihan ko pero babalik pa naman sya e, hintayin na lang natin ang pagbabalik nya" sabi nya.
"E ano pa nga ba, halika na uwi na tayo" sabi ko.
"O ayan ka nanaman, sabi ko naman sayong wag ka ng malungkot e, di pa ba sapat na nandito ako para pasayahin ka?" sabi nya.
"Masya naman ako She dahil nandyan ka pero syempre iba pa rin ang saya kapag nadyan din sana si Marg" sabi ko.
"Ngiti ka nga kung masaya ka" sabi nya.
"O ayan nakangiti na ako" sabi ko at ngumiti ako.
"Ano ba naman yan, parang ngiting aso lang a" sabi nya.
"Ngayon niloloko mo naman ako, halika na hatid na kita, maaga pa ulit tayo bukas" sabi ko.

One week na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin si Marg, lagi rin naman naming pinupuntahan ang bahay nila pero lagi pa ring walang tao. Nag aalala na din ako, ano na kaya nangyari sa kanya, bakit kaya di pa sila bumabalik. Sana naman walang nangyari sa kanilang masama. Ang hirap ng ganito lagi ko syang naiisip, naapektuhan na din maging si She, napapnsin nya kasing di ako masyadong kumikibo. Inaabala ko na lang ang sarili ko para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala ko kay Marg, pinipilit ko ding maging normal ang kilos ko kapag kaharap ko si She, pero di pa rin siguro ito effective dahil napapansin nya pa rin ito. 
Isang sabado napagpasyahan kong puntahan ulit ang bahay nina Marg, magbabakasakali akong baka nakauwi na sila. Pagdating ko dun ay nagtao na po ako. Laking tuwa ko ng makita kong lumabas ang nanay ni Marg.
"Magandang araw po" bati ko.
"Magandang araw din naman sayo, ano ang yong pakay?" tanong nya sa akin.
"Ah tatanong ko lang po sana kung nandyan na si Margie, kaibigan po nya kasi ako" sabi ko.
"Nasa Pampanga pa si Margie iho, dun na kasi sya mag-aaral" sabi ng nanay ni Marg.
"Po? Bakit naman po?" tanong ko.
"Napagpasyahan kasi naming dun na lang sya mag aral kasama ng mga kapatid at pinsan nya" sabi nya.
"Ibig po bang sabihin nyan di na sya babalik dito?" tanong ko.
"Babalik pa naman pero baka sa bakasyon na, bakit mo nga pala natanong?" tanong sa akin.
"Nagtataka po kasi kaming mga kaibigan nya kung bakit di pa sya napasok, akala namin nalate lang syang nag-enrol" malungkot kong sabi.
"Ah teka may pinabibigay nga pala sya, teka lang ha at kukunin ko sa loob" sabi nito.
"Sige po" sabi ko.
"Ito, ang sabi nya ibigay daw namin to kay Rey" sabi nya.
"Salamat po, may telephone number po ba sya dun?" tanong ko.
"Ay naku wala iho, pero pwede nyo siguro syang sulatan, bibigay ko na lang yung address namin don" sabi nya.
"Sige po, salamat po ulit" sabi ko.
Sinulat nya ito sa maliit na papel saka binigay sa akin.
"Pakisabi na lang din sa mga kaibigan mo tungkol sa kanya, pagpasensyahan nyo na't di na sya nakapagpaalam pa sa inyo" sabi nya pa.
"Sige po ako na po bahala sa iba pa naming kaibigan, mauna na din po ako, salamat po dito" sabi ko.
"Sige iho mag-iingat ka" sabi nya.
Malungkot kong nilisan ang bahay nila. Kaya pala di pa sya pumapasok. Parang may kung anong bagay ang tumurok sa dibdib ko, masakit. Wala na si Marg, di na kami ulit magkikita, napakasik lang isipin na di man lang kami nagkausap bago sya tuluyang lumisan. Ang akala ko pa naman dito pa rin sya mag-aaral, hindi na pala. Wala naman ako magagawa kung desisyon yon ng mga magulang nya, ano nga bang laban ko dun, wala naman di ba. Pero masakit pa rin e, masakit talaga.


Itutuloy.........


No comments:

Post a Comment